Chapter 6

66 6 0
                                    

/Jullian's POV/

"May relasyon nga kayo."tumatangong sabat ko.

Ilang segundo pa kaming nagkatitigan ni Tau. Ako rin ang kusang umiwas. Inubos ko ang natitira pang pagkain sa plato ko nang hindi sila tinitingnan. Ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ay hindi ko maunawaan. Ramdam ko ang mga mata ng mga kasama ko sa mesa.

Nang maubos ko ang pagkain ko ay agad akong tumayo at dere-deretso kong tinahak ang pinto papalabas ng canteen. Narinig ko pa ang pagtawag ni Zahara pero hindi ko na iyon pinansin.

Nang marating ko ang field ay doon ako nawalan ng lakas. Napaupo ako bigla. Masakit sa loob ko. Hindi ako handa sa kung ano man ang maririnig kong katotohanan mula sa bibig nilang dalawa.

Ilang minuto pa ang lumipas na ganoon lang ako. Nakaupo at yakap ang mga tuhod. May mga malulungkot na mga mata na nakatunghay sa malawak na kapaligiran. Maya maya pa ay naramdaman kong may naglakad papunta sakin.

"May gusto ka sa kaniya?" tanong ni Tau.

Narinig ko pa siyang ngumisi. Hindi ako nagsalita o gumalaw manlang. Naupo siya sa tabi ko at ginaya ang posisyon ko. Naramdaman ko pang sumulyap siya sakin pero wala akong pakialam.

"Ang totoo niya ay-" pinahinto ko siya.

Tumayo ako at namulsa. Nakaupo pa rin siya at nakatingalang tiningnan ako. Yumuko ako at sinalubong ang mga titig niya.

"Ayoko munang marinig ang mga sasabihin niyo." Sabi ko at naglakad palayo.

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay tinawag niya ako ulit. Nang lingunin ko siya ay natakatayo na siya at naglalakad palapit sakin. Ipinatong pa niya ang kamay sa balikat ko.

"Magkapatid kami." aniya.

Agad na nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ngumisi siya at halatang natatawa sa mga ekspreyon ko. Hindi ko magawang makapagsalita. Nagkaroon na kakaunting sigla ang puso ko.

Wala silang relasyon Jullian. Magkapatid lang sila.

"P-Paano nangyari iyon?" Tanong ko.

Bigla niya akong inakbayan at inakay. Sunod naman akong naglakad kasabay siya. Nanghihina ako at walang magawa sa pag-akay niya sakin. Ginulo niya pa ng bahagya ang buhok ko nang makapasok na kami sa hallway.

"Kung may gusto ka kay Zahara bakit hindi ka pa umamin?"tanong niya. Hindi ako nagsalita. "Wag mong sabihin na natatakot ka sakin?" Dagdag niya.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa kayabangan niya. Tinawanan niya lang ako at dere-deretso na siyang pumasok sa classroom namin. Nang makapasok na ako sa loob ay nandoon na si Zahara.

Ngayon ay alam ko na ang dahilan ng pagiging malapit niyo sa isa't isa. Sobrang saya ko. Ang lungkot na nararamdaman ko nitong mga nakaraan ay alam ko na rin ang dahilan. Nasasaktan ako Zahara dahil alam ko na sa sarili kong mahal na kita.

Naging mabagal ang oras. Nagsisimula man ang klase ay wala akong pakialam. Panay ang sulyap ko kay Zahara. Tama nga si Tau natatakot nga akong umamin kay Zahara. Alam ko ang pagkatao niya pero hindi iyon ang importante sakin. Mahal ko siya at wala nang makakapagpabago non.

Mula noong una ko siyang makita ay agad ko siyang nagustuhan. Hindi ako naniniwala sa love at first sight pero iyon nga siguro ang nangyari sakin. Gusto ko talaga siya. Naiiba siya sa mga babaeng nakilala ko. Matapang siya. Kakaiba rin siya kung tumawa. Bibihira mo iyon makita pero sulit naman kapag nasaksihan mo na.

"Sabay na tayong umuwi ha?" Hindi ko manlang namalayan ang paglapit sakin ni Zahara. Mataman kong tiningnan ang nagtataka niyang mukha. "pero if you don't want to..." bitin niya. "next time nalang." nagtangka siyang tumalikod pero hinawakan ko siya sa kamay.

My Girlfriend is a GANSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon