Chapter 38

11 2 0
                                    

Ashley's POV

"Magpaalam ka muna kay Doctor Santos bago tayo umalis." napahinto ako sa pag-aayos ng gamit ko dahil sa sinabi ni mommy, nilingon ko siya at tumango. "Nakausap ko si Director Lee, nakiusap siya sakin kung okay lang ba sayo kung makakapag-exam ang lalaking iyon para sa forth quarter." aniya pa, alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. "Kung ako ang tatanungin ay sobra sobra naman yata iyon gayo'ng inurong na natin ang ka--"

"Ayos lang sakin na makapag-exam siya, Mommy." putol ko sa kaniya atsaka ibinalik sa ginagawa ang atensyon.

Ramdam ko ang titig sakin ni Mommy kahit pa nakatalikod na ako sa kaniya. Magiging ayos lang naman ang lahat kahit pa magkasalubong muli ang daan naming dalawa ni Tau. Hindi ako natatakot dahil alam kong kampi na sakin ang lahat, wala nang makakapanakit sakin sa mga oras na ito.

Ilang minuto pa ang lumipas bago kami nakaalis sa ospital na iyon matapos kong makapagpaalam sa kaibigan na Doktor ni Daddy. Dumiretso na agad ako sa kwarto ko at hindi na nakipag-usap sa kahit na sino sa bahay na iyon.

Tinitigan kong mabuti ang sarili ko sa salamin, may benda pa rin ang ulo ko pero hindi na ganoong kalaki. Hindi na ako papasok pang muli maliban nalang sa araw mismo ng exam gaya ng ipinakiusap ko.

"Hello." iritableng sagot ko sa tawag ni Mira.

"Kumusta kana?" alam kong nakangisi siya sa mga sandaling ito.

"Wala ako sa mood makipag-usap." aniko.

"Pero bakit mo sinagot?" natatawang tanong niya.

"Dahil akala ko ay importante ang sasabihin mo."

"Importante ang sasabihin ko." agad niyang sabi, kumunot ang noo ko habang naghihintay sa sasabihin niya. "May sira na yata ang utak ng Pacheco na iyon."

"Dahil iyon sa iyo, hindi ba?" sarkastikong tanong ko, narinig kong tumawa siya sa kabilang linya. "Lumalampas ka na yata sa limitasyon mo, Mira." seryosong saad ko.

"Lumalampas?" kunyari ay tanong niya. "Hindi ba't ito ang gusto mo? Ang pabagsakin si Zahara?"

"Si Zahara, Mira. Hindi si Tau, walang dapat na madamay." pangklaklaro ko.

"Ganito ang simula, Ash. Hindi mo mapapabagsak si Zahara kung wala siya sa harap mo." paliwanag niya, muli kong tiningnan ang repleksyon ko sa salamin, ako pa ba ito? Ako pa rin ba ang nakikita ko sa harap ko?

"Itigil na natin 'to." walang buhay na sagot ko sa kaniya, napatango ako sa pagsang-ayon sa sarili kong sinabi. "Tama, ito na ang huling beses na pupuntiryahin natin si Tau." aniko, narinig kong bumuntong-hininga siya sa kabilang linya.

"Tsk... Tsk... Tsk..." dinig kong atungal niya, hindi ako kumibo. "Napalakas yata ang pagpalo ko sa ulo mo." agad na kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. "At sa tingin ko ay hindi lang ulo ni Pacheco ang nasira ko." natatawang aniya.

"Tumigil ka na." pilit kong pinigilan ang sarili ko na maiyak at maiparamdam sa kaniya ang takot na nararamdaman ko pero sa paraan niya ng pagtawa ay halatang bigo ako. "Huwag mo na akong gamiting panangga para sa mga plano mo. Simula ngayon kapag gumawa ka pa ng isang bagay na magpapahamak sakin... you'll be dead." madiin kong sabi.

"Tinatakot mo ba ako?"

"Binabalaan lang kita." matapang kong sabi. "Hindi mo'ko gano'n kakilala, Mira. Matuto kang mag-ingat." hindi ko na hinintay pang makapagsalita siya at binabaan ko na siya ng telepono.

Nilingon ko ang pinto at sinigurong walang nakarinig sa mga sinabi ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang walang tao sa hallway at napaupo na sa kama na pigil pa rin sa pag-iyak.

My Girlfriend is a GANSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon