Chapter 25

26 0 0
                                    

Chapter 25 (The Call)

TAU's POV

Walang nakapigil sakin nang ipilit kong maiwan ako sa hotel, nakauwi na ang lahat ng estudyante, ganoon din ang mga guro. Hindi ko alam kung ano pa ang mararamdaman ko, halos tatlong araw nang nawawala sila Zahara at Jullian, ni hindi na rin ako makakain ng maayos sa sobrang pag-aalala.

Walang silbi ang mga tauhan ni Mr. Kang at Director Lee dahil hanggang ngayon ay wala pa rin silang mahanap na bakas ng dalawa. May mga pagkakataon ding bumabalik sa hotel si Arnold nang wala ring dalang impormasyon.

Alalang alala na ako, nawawalan na ako ng pag-asa. May pagkakataon ding tinangka kong tumawag ng pulis pero pinigilan ako ni Mr. Kang hanggang sa kinuha na niya ang telepono ko at pinagbawalan nang lumabas ng kwarto ko.

Hindi ko pinansin ang biglang katok sa pinto ng kwarto ko, walang buhay ang mga mata kong tinanaw ang kalmadong karagatan mula sa veranda ng kwarto. Naramdaman kong may lumapit sakin at umupo sa tabi ko.

"Hindi ka pa raw kumakain ngayong araw." seryosong saad ni Arnold, hindi ko siya pinansin. "Kapag bumalik na si Zahara, hindi siya matutuwang makita kang ganiyan." hindi siya tono ng pag-aalala pero ramdam ko ang sinsiredad sa boses niya.

"Arnold, tumawag na tayo ng pulis. Mas mapapadali ang paghahanap sa kanila kung malalaman to ng mga awtoridad." nagmamakaawang sambit ko sa kaniya.

"Tau, makinig ka sa sasabihin ko." pagpapahinahon niya sakin. "Kapag tumawag tayo sa mga pulis mas lalong mapapahamak si Zahara, hindi ugali ng blue wolf na mandamay ng inosente, hindi nila sasaktan si Zahara, maniwala ka." paliwanag niya.

"P-Pero bakit wala pa rin siya hanggang ngayon?!" hindi ko na napigil ang sarili ko, marahas ko siyang hinawakan sa balikat at niyugyog.

"Malamang ay hawak pa rin siya ng blue wolf pero alam kong ayos lang siya." kwento niya pa, napabitaw ako sa kaniya sa kawalan ng pag-asa. Alam kong wala akong mapapala sa pakikipag-usap sa taong ito dahil hind niya naman ako naiintindihan. "Tau, alam kong nag-aalala ka, ganoon din kaming lahat, hindi lang naman ikaw ang nawalan." alam kong nagtitimpi nalang siya sa pagkakataong ito. Sandaling katahimikan ang nangibabaw sa pagitan naming dalawa, hindi ko na alam pa kung ano ang dapat kong ikilos sa mga oras na ito, naramdaman kong tumayo siya at inayos ang suot na coat. "Siya nga pala, gusto kang makausap ni Sajang, I-I mean ni Mr. Kang." aniya.

Hindi na ako sumagot at basta nalang tumayo at dumeretso sa banyo, sandali kong pinagmasdan ang sarili sa harap ng salamin. Maski ako ay nanibago sa itsura ko ngayon, malaki ang ibinagsak ng katawan ko sa loob lang ng tatlong araw. Paniguradong magagalit si nanay at pati na rin si Coach pero hindi na iyon ang importante sa ngayon.

Mabilis lang ang ginawa kong pagligo at pag-aayos ng sarili, nang makalabas ako ng banyo ay agad kong hinanap si Arnold pero wala na talaga siya doon. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang isang kahon sa kama ko, sa ibabaw no'n ay may sulat na nakadikit.

Nasa sa'yo kung gagamitin mo iyan para tumawag ng pulis. Pero sinabihan na kita na maaaring mapahamak ang kapatid mo sa gagawin mo.

Napabuntong-hininga ako matapos kong basahin ang sulat, binuksan ko ang kahon at nanlaki ang mata ko ng makitang bagong selpon iyon. Natawa ako nang maisip kung ano pa ba ang gagawin ko sa ibinigay niya matapos niya akong konsensyahin. Agad kong ibinulsa ang telepono atsaka diretsong lumabas ng kwarto.

Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng mga hakbang ko, alam kong may kinalaman kay Zahara ang dahilan ni Mr. Kang para ipatawag ako. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganito nalang ang takot na nararamdaman ko.

Kinatok ko ang pinto at ako din ang nagbukas no'n, tumambad sa harap ko si Mr. Kang at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Isinenyas niya sakin ang isang upuan at lamesa, nakapatong sa mesa ang isang nakabukas na laptop.

My Girlfriend is a GANSTERWhere stories live. Discover now