Chapter 28

18 1 0
                                    

ZAHARA's POV

"Are you ready?" mayamaya'y tanong ni Arnold, hindi ko rin alam ang sagot sa tanong niya. "Kasama mo ako." dagdag niya, sandali akong natigilan atsaka napangiti.

"Salamat." sinserong sambit ko, hindi ko na alam pa kung paano ko pa ba mapapasalamatan si Arnold sa lahat ng naitulong niya sakin. "Tara na." nakangiti kong anyaya sa kaniya.

Magkatulong naming nilagay sa compartment ng kotse niya ang lahat ng dala naming gamit. Ilang oras din ang ibinyahe namin mula sa Pilipinas hanggang dito sa Seoul, South Korea. Noong huling beses na tumira ako dito ay ayoko pang lisanin ang lugar na ito pero ngayon ay para bang natatakot na akong bumalik dito.

Malaki ang posibilidad na hindi na ako makabalik sa pamilya ko sa oras na tumapak ako sa palasyo ng pinuno. Apo niya ang namatay, ano pa nga ba ang magiging reaksyon niya? Ilang beses ko nang nakita kung paano siya magalit at kung paano niya parusahan ang mga kasama ko.

Nagcheck-in muna kami ni Arnold sa isang hotel, hindi na rin ako naiilang dahil ilang beses na namin itong ginawa noon. Dalawa naman ang kama kaya walang dapat na ipag-alala, bukas pa ang nakatakda kong pagbabalik sa Busan kung saan naroroon ang pinuno.

"Matulog kana, alam kong pagod kana." nakangiti kong sabi kay Arnold, natigilan siya sa ginagawa niyang pag-aayos ng mga gamit.

"May gusto ka pa bang puntahan?" napayuko ako nang mahulaan niya ang plano ko.

"Gusto ko muna kasing mamasyal bago magpakita sa mga kasama natin." pilit ang ngiting pakiusap ko sa kaniya.

"Gusto mong samahan kita?"

"Hindi na." tanggi ko, wala siyang nagawa kaya ipinagpatuloy na niya ang ginagawa niya.

"Arnold, magpahinga ka na lang muna." mayamaya'y utos ko sa kaniya habang inaayos ko ang isusuot kong jacket bago umalis, hindi niya ako pinansin. Sandali ko siyang pinagmasdan at nagtaka ako nang makitang kunot na kunot ang noo niya. "Anong problem--"

"Ayoko ng mga tumatakbo sa isip mo." biglang putol niya sa sinasabi ko, umayos siya ng tayo at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko. "Hindi ka mamamatay, Zahara." galit niyang sabi.

Pilit kong itinago ang emosyon ko, iyon din ang gusto kong paniwalaan. Pero alam kong hindi siya ang magdedesisyon ng magiging buhay ko. Ang totoo mula nang makabalik ako sa hotel sa Palawan, inihahanda ko na ang sarili ko, alam kong magiging matindi ang parusa sakin. Kung hindi pagkakakulong ng ilang buwan o taon ay malamang kamatayan na ang bagsak ko.

Naramdaman kong hinila ako ni Arnold at niyakap ng mahigpit. Napakaswerte ko dahil lagi siyang nandiyan sa tuwing kailangan ko siya. Lagi siyang nakasuporta sa lahat ng desisyon ko sa buhay at kailanman ay hindi niya ako iniwan.

"Sasamahan kita kahit ano pang mangyari." bulong niya sakin, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. "Hindi ko hahayaang patayin ka nila basta-basta nalang, Zahara."

"Arnold, hindi naman ako takot harapin ang kahit ano." nakangiting sabi ko sa kaniya, kumalas siya sa pagkakayakap at walang emosyon akong tiningnan. "Kaya ko ang lahat, kaya kong harapin ang kahit na anong parusa sakin." pagsisinungaling ko. "Sa dami ko ng pinagdaanan sa mura kong edad, ano pa ba ang hindi ko kayang harapin? tanong ko, sandali siyang natigilan. "Lagi mong tandaan na ako to, ako si Zahara Lorietta Perez, ako si Gold." para bang natauhan si Arnold sa sinabi ko at naluluhang napatango.

"Naniniwala ako sayo." tumatangong aniya.

NICOLE's POV

Ilang araw na ang lumipas nang magsimula na ang klase, hanggang ngayon ay wala pa ring ibinabalita ang University tungkol sa pagkawala ni Jullian. Pero ang mas ipinagtataka ko lang ay kung bakit wala manlang isang magulang ang naghahanap sa kawawang lalaking iyon.

My Girlfriend is a GANSTERDove le storie prendono vita. Scoprilo ora