Chapter 19 (Fieldtrip)

24 1 0
                                    

Tau Pacheco's Pov

Masaya ako nang matanggap ko ang balitang makakatabi ko sa bus si Zahara ngayong araw. Maaga talaga akong gumising para makapaghanda. Ngayon lang ako makakapamasyal na kasama siya dahil maka-ilang beses niya din akong tinanggihan dahil sa iba't ibang rason. Pero binaliwala ko iyon dahil alam kong hindi pangkaraniwan ang buhay na meron siya.

Ito rin ang unang beses naming pupunta sa Palawan kaya naman nang malaman kong sasama siya ay sumama agad ako. Ilang beses din akong nagpaalam kay nanay bago tuluyang umalis at patakbong nagtungo sa campus. Marami nang estudyanteng pakalat kalat sa buong field nang makarating ako.

Agad kong hinanap si Zahara at agad na napanguso nang makita kong katabi niya si Jullian at ang lalaking tinawag niyang bestfriend sa ilalim ng puno sa field. Patakbo akong nagtungo sa kinaroroonan ng tatlo at nakapamewang na hinarap sila. Hindi makatingin ang tatlo ng diretso sakin dahil nasa likuran ko ang sinag ng araw kaya naman sinadya kong tumayo sa tapat ni Zahara para hindi siya masilaw.

"Bat nandito yan?" sarkastiko kong tanong kay Zahara, ininguso ko pa ang lalaking tinawag niyang bestfriend noong nakaraan. "Sasama ba yan hanggang fieldtrip natin? Tch!" angil ko pa.

"Eh bakit parang may galit ka sakin huh?" nakataas ang dalawang kilay na tanong ng lalaki.

Napalingon ako kay Jullian nang mapansing nagpipigil siya ng tawa habang hawak ang tiyan. Ganon din ang ekspresyon ni Zahara halata sa mukha niya na natatawa siya sa sinabi ng lalaki. Inismiran ko silang tatlo atsaka ko kinuha sa maliit kong bag ang ginawa ni nanay na tsaa para kay Zahara.

"Oh!" nakanguso kong sabi habang iniaabot kay Zahara ang bote na pinaglalagyan ng tsaa. "Ginawa yan ni nanay para sayo, sana magustuhan mo." nakangiti kong kwento.

"Pakisabi salamat." tinaguan ko lang siya bilang sagot. "Hindi sasama si Arnold." mayamaya'y sabi niya, agad akong napatingin sa kaniya. "Hindi siya sasama.." ulit niya na nilingon pa ang lalaki. "nandito lang siya dahil hinatid niya ako papasok, mamaya uuwi din siya." aniya pa.

"Oh kitam?" saad naman ng lalaki na halatang nang-aasar. "Wag mo na akong susungitan baka mapagkamalan pa kitang may gusto sakin!" sigaw naman niya.

Agad na nagtawanan sila Zahara at Jullian sa sinabi ng lokong Arnold na iyon! Sa inis ko ay sinipa ko ang paa nito na siyang nagpagusot ng mukha niya. Agad niyang kinuha ang panyo niya sa suot niyang pantalon at pinunasan ang nadumihan niyang sapatos.

Napakaarte naman ng lalaking ito!

"Students!! Magsisakay na kayo sa mga designated bus niyo! Aalis na tayo in just few minutes!" dinig kong sigaw ng Supervisor ng school.

Ang ilan sa mga estudyanteng nasa field ay nagsipagsunuran na nga at nagtungo na sa mga bus na sasakyan nila. Sandali pang nagpaalamanan sila Zahara at Arnold bago sila nagyakap at kumaway sa isa't isa. Pasakay palang kami sa bus nang pigilan ni Supervisor Ramos si Jullian dahil may kailangan pa itong sabihin.

Napansin kong naging malawak ang ngiti ni Jullian dahil sa sinabi ng matanda at pumalakpak pa ito habang naglalakad patungo sa upuan niya sa tabi ni Nicole. Iritable ang babae kay Jullian dahil maya't maya itong gumagalaw para tanawin kaming dalawa ni Zahara na kasalukuyang nakatanaw lang sa bintana.

Ilang oras pa ang inabot namin bago makarating sa airport na patutunguhan namin. Hindi naging madali ang proseso bago kami makasakay dahil okupado namin ang buong eroplano. Nasa business class ang lahat ng manlalaro ng intrams pero mabuti nalang at hindi nila makakasama ang mga manlalaro ng college dahil paniguradong manganganib si Jullian sa kamay ni Harrold na nakaaway ni Zahara noong nakaraang linggo.

My Girlfriend is a GANSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon