Chapter 10

54 5 0
                                    

/Tau Pacheco's POV/

Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Zahara pero matapos ang narinig niya kay nanay ay bigla nalang siyang nanahimik. Nawala nalang basta ang pagiging magiliw niya kahit pa kausap niya si nanay. Maging sa pag-uwi at paghatid ko sa kaniya ay tahimik siya, hindi ko tuloy alam kung paano ko siya kakausapin.

Hindi siya nagpahatid sa bahay niya, nagtaka ako pero hindi ko magawang mag-usisa. Basta nalang siya nagpaiwan sa intersection at doon ay naghintay ng masasakyan. Pagkauwi ay hinintay ko ang tawag niya para ibalitang nakauwi na siya, pero hindi niya sinunod ang sinabi ko dahil imbes na tawag ay text lang ang ipinadala niya.

Hindi na ako nangulit dahil paniguradong magdududa lang lalo iyon at baka mag-usisa pa. Iyon ang kinakatakot ko, na baka bigla nalang akong mabuko. Pero dahil gusto kong mas mapalapit siya samin ay hinayaan ko nalang na makilala niya ang nanay niya.

Masakit para sakin ang magsinungaling pero wala akong magawa dahil wala akong karapatang magsalita. Natatakot akong masaktan siya sa malalaman niya tungkol sa totoong kapatid niya.

Ilang araw ang lumipas na ganoon pa rin ang trato niya sakin, tahimik lang siya kapag kaming dalawa lang. Malaki ang pinagbago niya, hindi tulad no'ng unang mga araw na nakilala niya ako. Halos araw araw din siyang nagtatanong sa lagay ni nanay, hindi kasi siya pwedeng dumalaw sa bahay sa lahat ng oras dahil magtataka talaga si nanay.

Hindi na rin kami nagsasabay pumasok o umuwi dahil naikwento na niya na kasabay niya si Jullian. Pero hindi ko pa rin alam ang dahilan ng pagsasabay nila, basta ayos na sakin na wala silang relasyon. Madalas ko pa rin bantayan ang bahay ni Zahara, umaasang doon na ulit siya umuuwi pero bigo ako.

Hindi ko siya magawang sundan dahil una ay nakamotor siya at pangalawa ay wala akong gamit na sasakyan. Minsan ko ring tinangka na sundan si Jullian pero hatid sundo pa rin siya ni Zahara.

Papasok na ako ngayon sa school, hindi ko na inaasahang makakasabay ko pa si Zahara. Para sakin ay sapat nang inaalala niya ang kalagayan namin ni nanay. Masaya na rin ako na tuwing iniimbitahan siya ni nanay ay pumapayag siya at sumasama.

Nang makarating ako sa school ay kakaunti pa lang kami doon at wala pa sila Zahara at Jullian. Himala para sa lahat ang maaga kong pagpasok kaya naman pinagtitinginan nila ako. Nang ilabas ko ang isa kong libro at binasa ko iyon ay manghang mangha ang lahat, palihim akong natawa.

Maya-maya ay nagsipag-datingan na ang ilan, magkasabay na pumasok sila Jullian at Zahara. Ayun na naman ang pagtataray sa mukha ni Zahara at ang nakakalokong ngiti ni Jullian sa kaniya. Malamang ay inaasar ng lalaki ang babae kaya lukot na lukot ang mukha ni Zahara. Pareho silang natigilan ng makita ako at agad na ibinalik sa normal ang kilos.

"Hello..." bati sakin ni Zahara, tinanguan ko lang siya. "Kumusta si nanay?" tanong niya.

'Eh ako? Hindi mo ba ako kukumustahin?' Hindi ko kayang isatinig ang naisip.

"Hmm ayos naman siya, minsan ay hinahanap ka niya sakin at kinukumusta, hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya dahil hindi naman kita madalas na makasama." kwento ko.

Lumamlam naman ang mga mata niya atsaka tumango at umupo sa harap ko. "Okay lang ako, hindi ako nahihirapang mag-aral kasi magaling ako." mayabang niyang sabi. "May mga inaasikaso akong bagay na hindi naman masyadong nagpapasakit ng ulo ko." nang sabihin niya iyon ay nilingon niya si Jullian na kasalukuyang nakikinig ng music sa cellphone. "Pero kahit masaya at okay ako gusto ko pa ring malaman ang buong pagkatao ni nanay, lalo na ang pagkatao ng kuya ko." turo niya sakin, agad akong kinabahan.

Pakiramdam ko ay sarcastic ang pagkakasabi niya ng huling linya. Matapos niya iyong sabihin ay bumuntong hininga siya at umalis para umupo sa kaniyang silya. Dumating ang homeroom teacher namin at inanunsyo na magpapalitan na uli kami ng mga upuan.

My Girlfriend is a GANSTERWhere stories live. Discover now