Chapter 21

24 3 0
                                    

Chapter 21 (The traitor)

Dr. K's POV

Pinag-iisipan ko pa kung ano ang dapat kong gawin, may kung ano ang pumipigil sakin upang sundin ang pinag-uutos sakin. Saan ba ako dapat pumanig o kung may dapat ba akong panigan.

Jullian De Guzman, kahit kailan ay sakit ka sa ulo.

"Saan ka galing?" tanong ni Master Choi sakin, wala siya nakuhang sagot mula sakin. "Dinala na namin ang mga pwede mong gamitin, kumpleto ang lahat ng iyan." Seryosong sabi ng matanda.

"Umalis na kayo, gusto kong mapag-isa." mukhang nabigla ang matanda sa sinabi ko, pero tinawanan niya lang ako. "Kailangan kong pag-isipan ang plano kaya kung maari, umalis na kayo."

Tinapik niya ang balikat ko at muli akong nilingon nang nakangisi. Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha niya pero sadyang naghahatid iyon ng kaba sa dibdib ko.

"Hindi mo na kailangang mamoblema kung paano mo papatayin ang batang iyon." peke ang ngiting aniya. "Kami na ang bahala sa kaniya, ang kailangan mo lang gawin ay manmanan siya bawat minuto at ipaalam sa amin ang mga kilos niya at ng Zahara'ng iyon." kumunot ang noo ko.

"Sakin inutos iyon hindi ba?" galit kong tanong. "Ako ang gagawa ng misyon ko, hindi niyo kailangang mangealam!"

"Ilang buwan mo na siyang kasama pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin natatapos ang misyon!" sigaw din niya. "Hindi kaya... natatakot ka?" nakangising tanong niya, hindi ako umimik. "Ano ba talaga ang pumipigil sayo ha?" Hindi pa rin ako sumagot.

Narinig ko pa siyang ngumisi bago niya nilisan ang bahay na inupahan ko bago pa man ang fieldtrip namin. Napapaisip ako sa sinabi ng matandang iyon, ano ba talaga ang problema sakin? Hindi na ito ang unang beses na isinalang ako sa ganitong uri ng misyon, pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.

Dahil ba naging malapit na ako kay Jullian?
O dahil alam kong si Zahara ang protektor niya?

Zahara...

Kringg... kringg.. kringg...

Hindi ko alam kung sasagutin ko ang telepono ko, alam kong nag-aalala na ang mga kaklase ko dahil dis-oras na ng gabi.

"Hello?" sagot ko sa tawag.

"Hoy nasaan ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Ashley. "Hinahanap ka na ni Mr. Cruz, ikaw nalang ang wala, bumalik ka na agad."

Siya din ang kusang nagbaba ng telepono, wala akong nagawa kundi ang maggayak. Sandali ko pang pinasadahan ng tingin ang mga armas at mga medical tools na nakasalansan sa mesa bago ako lumabas ng bahay at sumakay sa motor.

Nang makabalik ako sa hotel ay pasimple kong pinarada ang motor ko sa pinakadulong bahagi ng parking lot kung saan ay hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao. Nakakunot ang noo ni Mr. Cruz nang pumasok ako sa kwarto namin, hindi ko alam na doon niya pala ako hinihintay.

"Saan ka ba galing? Pinag-alala mo ang lahat ng kasama mo, hindi mo ba iyon naiisip?" Galit niyang tanong.

"Patawad po, namasyal lang ako sa ibang lugar, nagpapakasakaling may makikita akong interesadong lugar dito."

Buntong hininga nalang ang naisagot niya bago ako tianpik at diretso nang umalis ng kwarto namin. Hindi ko na pinansin pa ang tanong ng mga kaklase ko. Solo ko ang kama kaya naman tahimik akong humiga, hindi ko inaasahang katabi pala ng kama ko ang kama nila Tau at Jullian.

Mas malapit si Jullian sa gawi ko at anumang oras ay pwede ko siyang patayin ng walang makakaalam. Pero sa tuwing iniisip ko ang pwede kong gawing pagpatay sa kaniya ay may kung ano ang pumipigil sakin. Hindi ko na pinahirapan pa ang sarili ko, ipinikit ko na ang mga mata ko at hinintay na makatulog ako.

My Girlfriend is a GANSTERМесто, где живут истории. Откройте их для себя