"Sige po, General!" I saluted at him.

"Mas gusto ko talaga kapag palagi kang nakangiti e," sabat ni Andrew bao tumabi sa akin.

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Inilingan ko na lang siya at nagpatuloy na kami sa gagawin. Nagsimula na kaming mag-ayos at pumili ng baril na gagamitin.

Habang inaayos ko ang gagamitin kong revolver ay may narinig akong matinis na boses ng babae sa may bandang likuran ko lang. Paramg may kaaway ata sa cellphone.

"What?! You're late because of a policewoman?! Are you crazy Chrispher?!" Sigaw nito.

I pursed my lips ang slightly look at her way. May katawagan siya sa cellphone. She's wearing a blue tight bodycon dress na pinaresan naman ng blue stiletto. High cheekbones at maputi ang balat. Maganda. Pang-model.

"Are you done with your class?" Maarteng dugtong pa nito. Parang bingi?

"Okay... Pick me up here na. My body is shaking because of this noisy gunshots! Sana ay hindi na lang ako sumama kay Daddy. Make it fast, okay?" Sabay baba niya sa cellphone. Kunot na kunot ang noo at parang nilamutak ng demonyo ang mukha dahil sa sobrang sama.

Halatang spoiled brat.

Umangat ang gilid ng labi ko bago napailing. Nagsuot na ako ng hearing gear at gloves at nagsimula na sa gagawin.

Ibinuhos ko na lang ang tatlong oras ko sa pag-eenjoy mula sa mga bagong baril at sa paggamit ng mga ito. Marami din akong mga natutunan dahil tinuturuan ako ni Andrew kung paano gamitin ang mga bagong baril. Alas-dos ng hapon na kami natapos at nakapagdesisyon na umuwi na.

"Pupunta ka ba dito bukas?" Tanong ni Andrew habang naglalakad na kami papalabas.

Napanguso ako at umiling. "May gagawin ako bukas, e."

Ipapatingin ko muna iyong gasgas sa motor ko. Siguradong hindi ako makakatulog kapag hindi iyon naaayos. Kailangan ko ring maharap ulit ang mga batang 'yon at maturuan ng leksyon. Kahit na iyong driver na lang dahil siya naman ang nagmamaneho.

"See you next time, then," aniya sabay kindat sa akin. Hindi ko mapigilang matawa at mapailing.

Habang nasa byahe ay sumasama ang loob ko. Parang hindi ko na feel ang presensiya ng Ducati ko dahil sa gasgas. Malaki kasi e! Tsaka halatang halata! Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tanggap ang nangyari. Hindi ko lang mailabas ang galit ko dahil ayaw kong mapagkamalang baliw.

Nang makarating sa bahay ay unang bumungad sa akin si Preston na prenteng nakahiga sa sofa ng living room namin at hawak ang cellphone. Malakas ang boses at panay ang mura.

"Gago! Punta na sa base!" Aniya, hindi pa ata ako napapansin. Nangunot ang noo ko bago kumuha ng unan sa tabi at hinampas sa kaniya ng walang pagdadalawang isip.

"Aray! Ate!" Agad siyang napaupo sa gulat at nagtatakang napatitig sa akin. Nakasimangot pa.

"Diyan ka pala natutong magmura?!" Singhal ko. Sinulyapan ko ang cellphone niya at nakitang nag-e-ML pala siya.

Napanguso lang siya at pabalik-balik ang tingin sa akin at sa cellphone na hawak. Nagdadalawang isip kong magpapatuloy ba sa paglalaro o titigil.

"Ate! Ayaw kong ma-AFK!" Inis na aniya at talagang nagpatuloy na sa paglalaro. Hindi na pinansin pa ang tila nag-aalab kong galit.

Napabuga ako ng hangin at akmang sesermunan na siya ng narinig ko ang boses ni Mama.

"Ang aga mo ata Ren?" Aniya habang naglalakad papalapit sa akin. Halatang kakatapos niya lang maligo dahil sa basa niyang buhok.

OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon