Chapter 1 The Homecoming

4.3K 115 5
                                    

Dara's POV



Nakatayo ako ngayon sa bakuran ng bahay ng aking kapatid na si Kai.



"Ang ganda. Pero di gaya ng dati naming mansyon." Bulong ko sa aking sarili habang nakataas ang isa kong kilay.



Sa tuwing maalala ko ang mansyon namin dati, sobra talaga akong nalulungkot. Pati na rin ang buong hasyenda namin.Namimiss ko ang lahat ng yon, lalo na ang memories ng bahay namin. But that was all in the past. Dahil ngayon ang mansyon ay abo na lamang. Nasunog kasi ito.



Pati ang pamilya namin ay wala na rin. Ang aking great grandmother na si Maria, ang lola ko na si Margarita at ang aking ina na si Yvette. They're gone forever,.. all of them. Except sa aking kuya na si Kai.



Lahat ng galit at suspicion ko na naramdaman ng isang taon ay pilit kong nilabanan. No, I could not let him see it! I could not allow him to even sense it! Not until sigurado na ako at tama nga ang hinala ko.



Isinantabi ko muna ang mga masasakit kong alaala at lumapit sa bahay ni Kai. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa kanya ito at dito siya naninirahan.



But then, siguro ang Kai na nakatira dito ngayon ay hindi na kagaya ng Kai na kasama kong lumaki at namuhay ng maraming taon. Hindi ko lang talaga kilala ang kapatid ko ng mabuti.



As much as ayaw ko talagang paniwalaan ang mga hinala ko, pwede din namang totoo ito at ang kagustuhan niyang magbago ang nagtulak sa kanya para gawin ang mga bagay na iyon...



Pero kung totoo man ang mga hinala ko, at siya talaga ang pumatay sa pamilya namin ay di ko talaga alam ang gagawin ko. Pero ito rin ang dahilan kung bakit ako nagbalik. At kailangan kong alamin iyon. Ang buong katotohanan.



Unti unti akong lumapit sa bahay ni Kai habang pinagmamasdan iyon. Malaki din ang bahay niya at malinis ang itsura sa panlabas dahil sa puting kulay nito.



Naglakad ako sa may pintuan at nag doorbell. I stepped back at naghintay. Medyo kinakabahan na rin ako. Unti unting bumukas ang pinto at nagulat si Kai.



"D-Dara?" Halata na na-shocked sa nakita. Halos mamuti na ang kamay niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak sa pintuan.



I suddenly froze sa kinatatayuan ko at pilit kong binabasa ang naging reaksyon ng mukha niya. Pilit kong hinahanap sa kanyang mga mata kung ano ang iniisip at nararamdaman niya.




Ilang buwan din akong nag speculate tungkol sa mangyayari ngayon, kung paano sya mag rereact kapag nalaman nya na hindi ako kasamang namatay sa sunog na iyon. Kung meron man siyang naramdamang guilt ay hindi ko alam.



"Hello Kai!!" Masigla kong bati sa kanya habang nakangiti.



Mabilis ko siyang pinagmasdan. Nagbago na siya. Pero wala naman nagbago sa kanya. Wala naman nagbago sa physical appearance niya pero na-sense ko na nagbago ang kanyang inner self.



Sa pang karaniwang tingin, napaka gwapo naman talaga nitong si Kai. Pero sa mga di  nakakaalam, hindi naman talaga siya tao. Hindi siya mortal. Isa siyang Chaser, isang hunter, isang vampire, na kagaya ko at gaya ng buong pamilya namin.



***

My Immortal Love ( EXO FF )Where stories live. Discover now