Chapter 40 Morgue

558 24 5
                                    

Chann grabbed his car keys sa ibabaw ng kanyang desk at nagmadaling lumakad papunta sa kanyang sasakyan. Masyado na siyang nawiwindang sa pag solve ng case na ito kaya naman pati ang report niya ay naiwanan niya pa sa kanyang apartment.





Within minutes ay nakarating na siya sa tapat ng kanyang apartment and hurried inside. Naisip niyang hindi naman siguro mahahalata ng kanyang Chief kung gaano siya katagal na nawala. Kumuha muna siya ng coke in can sa ref bago pumasok sa loob ng kanyang kwarto para makuha yung folder.





Nakapatong iyon sa kanyang magulong higaan kung saan nandoon pa yung mga pinaghubaran niyang damit this past two days. Napako ang kanyang tingin sa t-shirt na suot suot niya nung nakita niya si Dara sa may riverwalk at dinala niya dito sa kanyang apartment.





Paglabas niya sa kanyang kwarto ay napatingin naman siya sa may sofa, kung saan naalala niya kung paano niya nahalikan dito si Dara. Napailing iling na lang ng ulo si Chann dahil pakiramdam na naman niya ay iniinvade na naman ni Dara ang kanyang sistema.






Lumakad siya papuntang sofa at naupo dito sabay inom sa kanyang coke in can nang bigla siyang natigilan. Pumukaw sa kanyang atensiyon ang isang strand ng buhok na nasa sofa, kung saan mismo ang puwesto ng kinauupuan ni Dara nung gabing dinala siya ni Chann dito.





Ang liwanag ng araw na nanggagaling sa labas ng bintana ay tumatama sa hibla ng buhok na ito kaya naman kitang kita ang kakintaban ng itim na buhok na ito. Chann stared at the hair, bakas sa kanyang mukha ang takot habang nakatingin dito at kung anu ano na rin ang pumapasok sa kanyang isipan.





Dinukot ni Chann ang kanyang wallet mula sa likurang bulsa ng kanyang pants bago pa man magbago ang kanyang isip, at binunot niya ang isang maliit na plastic bag mula rito. Kumuha siya ng isang ballpen mula sa loob ng drawer ng kanyang side table. Binuksan niya ang plastic bag saka kinuha ang hibla ng buhok gamit ang tip ng ballpen, hinulog niya ang hibla sa loob ng plastic saka ito ibinalik sa loob ng kanyang wallet.





"This is insane. The mere idea is ridiculous!" Sabi ni Chann sa kanyang sarili, yet he couldn't stop himself. He couldn't banish the thought, the suspicion, from his mind.





Nagsimula ang mga pagpatay eksakto mula noong dumating dito si Dara sa San Miguel. Yung composite sketch na mula doon sa bartender ay almost exactly like her. At yung black strand of hair na natagpuan doon sa katawan nung dalawang biktima.

My Immortal Love ( EXO FF )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora