Chapter 53 Crazy Kris

516 19 5
                                    

Nakatayo si Kris sa isang madilim na eskinita habang nakangiti ng mag isa. Sa isip niya, kung hindi lamang siya tinanggihan ni Dara, hindi sana niya kailangan pang patayin ang kanyang pinakamamahal na si Suho. At hindi na rin sana niya kinakailangang patayin si Chann, kabilang na ang mga kasamahan nitong police na natatanaw niya ngayon.





"Vernon, maiwan ka muna dito sa sasakyan. Doon ako roronda sa may kabilang eskinita. Dadalhin ko itong isang radio. Kapag may nakita akong problema tatawagan kita okay?" Sabi ng police na si Dino  sa kasamahan niyang si Vernon. Kinuha nito ang two-way radio at saka bumaba ng police car.





"Copy that. Mag iingat ka Dino. Mukhang matinik ang killer natin dito. Tawag ka na lang."





"Shut up Vernon. Sisiguraduhin kong hindi na 'yon humihinga bago pa niya ako mapatay." Sabay himas ni Dino sa baril niyang nakasabit sa kanyang baywang.





"Hahaha, ang yabang mo gago. O siya lumakad ka na nang makabalik ka na agad dito." At nagtawanan muna ang magkaibigang police bago umalis si Dino.





Dahan dahang lumakad si Kris patungong police car na nakaparada sa dulo ng eskinitang pinagtataguan niya. Nakatingin sa ibang direksiyon ang police na si Vernon kaya hindi nito napansin si Kris. Iyon ang kaniyang naging pagkakamali. Lumapit si Kris sa gilid ng sasakyan at nakita niyang nakabukas pala ang bintana nito.





Maya maya pa ay biglang tumunog ang radio ng police. "Vernon, this is Dino. Over."






Inabot naman ni Vernon ang radio na nasa harapan niya. Kasabay ng pag abot niya ay ang pagsakal din ni Kris sa kanyang leeg. Sinubukan niyang kumawala sa pagkakasakal ni Kris pero masyado itong malakas kumpara sa kanya. Bago pa ito tuluyang mawalan ng hininga ay ipinasok na ni Kris ang kanyang ulo mula sa bintana at saka ibinaon ang mga pangil nito sa gilid ng leeg ng kawawang si Vernon. Umalingawngaw naman ang sigaw nito sa loob ng sasakyan habang nakadiin ang mga daliri ni Kris sa kanyang may adam's apple.





Matapos ang limang minuto, nagtungo naman si Kris sa may kabilang eskinita at nagkubli uli sa dilim. A sense of smug satisfaction filling his chest. Napakadali lang para sa kanya nito. Pinulot niya ang isang empty beer can na nasa paanan niya at saka ibinato iyon sa may pader at tumama iyon sa may gawi ng basurahan at lumikha ng ingay.





My Immortal Love ( EXO FF )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon