Chapter 24 Movie Date

1K 45 18
                                    

Naubos na ni Chann ang kinakain niyang sandwich at hinigop niya ang natitirang kape sa kanyang tasa saka bumuntong hininga. Naging napaka busy kasi para sa kanya ng araw na ito.






Tumayo na siya para lumabas ng restaurant saka naglakad papunta sa direksiyon ng riverwalk. Nalanghap niya ang malamig at sariwang hangin na tama lang para marelax ang kanyang isip at katawan sa matinding pagka stress sa hinahawakan niyang kaso ngayon.






Ginugol niya kanina ang kanyang maghapon sa pag aaral sa mga report patungkol sa mga drug lords na sila Rapmon at Jimin. Marami din siyang nalaman tungkol sa dalawang iyon.






Pero hindi siya nakakita ng kahit anong ebidensiya na mag uugnay sa kanilang dalawa doon sa hawak niyang kaso ngayon. Madali lang kasi niyang matukoy yung mga naging biktima nila Jimin at Rapmon dahil sa paraan ng pagkamatay ng mga ito.






At ni minsan sa buong talambuhay ni Chann at mula nung nagtrabaho siya sa station, ngayon pa lang siya nakakita ng bangkay na namatay dahil sa kawalan ng dugo. At kahit yung mga kulto sa paligid ay hindi naman iyon ginagawa bilang kanilang ritwal.






Sinubukan alisin ni Chann sa kaniyang isipan ang mga problema niya sa kasong iyon. Halos hatinggabi na rin kasi at wala na rin halos tao sa paligid. Iyon ang kanyang paboritong oras. Huminga muli ng malalim si Chann habang naglalakad papuntang riverwalk. Inilagay niya ang mga kamay niya sa bulsa ng kanyang leather jacket habang paakyat sa flatform ng riverwalk.







May nakita siyang isang tao na nakatayo doon. Nakaharap iyon sa may ilog habang nakatalikod kay Chann.






Napahinto siya at tiningnan yung babaeng nakatayo sa kanyang harap. Ang itim na buhok at slim nitong katawan ay nagpapaalala sa kanya kay Dara.






Wala siyang matandaan kung kailan siya nagkaganito dahil lamang sa isang babae na hanggang sa panaginip ay hindi siya tumitigil ng kakaisip dito. Hindi din naman siya nagka ganito nuong nakilala niya si Minzy... and he'd ended up on planning marrying her.






Hindi na niya pinansin ang tumatakbo sa kanyang isipan at pinagpatuloy niyang pagmasdan yung babae. Alam niyang hindi safe para sa isang babae na magpunta sa ganitong lugar sa ganito ding oras.






Pinasadahan niya ng tingin ang likod ng babae mula ulo hanggang paa nito. Perfect siyang target ng mga masasamang loob dito.



My Immortal Love ( EXO FF )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora