Chapter 20 Night Out

1.2K 49 8
                                    

Kai's POV





Pumasok sa loob ng study room ang aking asawa na si Sheena at isinara ang pinto pagkatapos.






"Nakauwi na yung lahat ng mga bisita natin, pati yung mga tagalinis ay tapos na rin sa mga gawain nila kaya nagsi uwi na rin sila." Sabi niya.






"Sa palagay mo ba.. walang gagawin si Dara... " dagdag niya sabay tingin sa akin. Halatang takot din siya ituloy ang kanyang katanungan."






"No. She won't have the craving tonight. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko maitatago ang lihim kong pagsasalin ng dugo sa kanya bago pa siya magtaka kung ano na ang nangyayari sa kanya at kung bakit hindi siya nakakaramdam ng pagka uhaw sa dugo." Sabi ko.






"Eh paano kapag nalaman niya na ang totoo Kai? Ano na ang mangyayari? Ano na ang gagawin natin?"






"Hindi ko rin alam."






Malalim na nagbuntong hininga ang asawa ko. Halata sa mukha niya ang pagka stress sa mga nangyayari at alam ko na natatakot din siya. Naglakad siya sa may papuntang bintana at dumungaw duon.





"Nakausap mo na ba si Chann?.. tungkol dun sa nangyaring pagpatay last night?" Tanong ni Sheena.






"Hindi pa."






"P-pero..." sabay lingon niya sa akin na may pagtatanong sa kanyang mga mata. "I thought you were going to ask him about it?" Dagdag niya.







Napailing lamang ako. At nakita ko ang aking sariling reflection sa may salamin ng aming bintana.






Kinikilabutan pa rin ako hanggang ngayon pag nakikita ko ang reflection ko. Hindi pa rin kasi ako sanay na nakikita ko ang aking sarili.







"Kai?" Tawag ni Sheena nung hindi ako sumagot.






Hindi ko magawang hindi makaramdam ng galit pag naaalala ko si Dara at yung napanood naming balita sa tv na lalaking pinaslang.






"Natatakot kasi ako na baka magtaka si Chann kung bakit ako interesadong malaman iyon."






My Immortal Love ( EXO FF )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon