Chapter 2 Welcomed

3.3K 92 5
                                    

Nang pumasok ako sa bahay ni Kai, kitang kita ko kung paano siya napailing ng kaunti dahil sa pagkagulat niya na makita ako.



"Dara, oh my God,  i can't believe it... Is it really you? I mean, I...... i thought......"  Halos malaglag ang kanyang panga sa pagkagulat.



"Alam ko," sabi ko sa kanya sabay lagay ng mga kamay ko sa bulsa.



"P-pero..... paanong nangyari," sabay kunot ng kanyang noo.



Napangiti na lang ako sa kanya. I didn't conciously hold back emotionally from him, but i wasn't ready to offer more than this physical visit.



Emotions had to wait pero kailangan ko munang mapatunayan kung hindi ba talaga si Kai ang nasa kwarto ko that night a year ago. The one who had tried to ruthlessly end my existence.



"Im sorry," sabi ni Kai dahilan para magambala ako sa aking pag iisip.



"We can talk about that later." Lumapit siya sa akin para yakapin ako ng mahigpit. Sincere kaya siya o pinaplastik niya lang ako?



"Damn, it's good to see you Dara! I missed you so much."



Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko the moment na nakayakap siya sa akin. He was different, siya pa rin ang kapatid ko pero parang hindi.



I pulled away from him as delicately as i could para hindi masyadong obvious.



"Hindi ko alam kung tatanggapin mo ako." Sabi ko.



At ngayon nakita ko na ang hindi ko napansin kanina. Iba ang aura niya, no longer the black shade of a Chaser. Bright blue na ito na may gold sa outer edges.



Human. Ito ang unang pumasok sa utak ko na nakapag pagulat sa akin.



Alam ko na gusto talaga niya maging mortal. Pero hindi talaga ako naniniwala don at hindi ako naniniwala na posible palang mangyari yon kaya I was not prepared to accept it. I stared at him with disgust. Hindi pa ito nangyayari before at wala pang Chaser na nagtransform bilang isang mortal.



Ang aming great grandmother na si Maria ay naniniwala na pwede itong mangyari. Pero napaka imposible naman nun kaya hindi talaga ako naniwala.



Human. Ito ang paulit ulit na pumapasok sa utak ko. Human.



"Please, come in Dara! Syempre naman welcome ka..." at hinawakan niya ako sa kamay habang nakangiti.



"...just such a shock seing you standing there like that." Sabi ni Kai.



Humakbang ako ng ilang hakbang para malagpasan ko siya. Para hindi niya mapansin ang pagdududa ko kung tatanggapin niya ba ako o hindi. Hindi pa naman sapat na katibayan ang pagbabago ng aura niya. Maaring nagbago lang ito dahil sa mga pinagdaanan niya sa buhay.



Napaisip ako kung ilang beses na ba siya nasaktan sa sikat ng araw, ang hirap na maglakad papuntang church. Ang hirap ng pagka uhaw niya sa dugo. At lahat ng iyon ay mukang nalagpasan niya at nagkaroon pa yata ng tolerance para sa ganung mga bagay.



Ang tolerance kung bakit para siyang mortal pero hindi naman. Pero hindi mortality ang nasesense ko sa kanya. Something in between that and being a Chaser.



Lumapit siya sa akin. Pasimple ko siyang tinignan ng may pagtataka. Posible kayang he found some ground between the two states? Was he managing to be both?



Inilibot ko ang aking paningin kanyang living room. Napaka elegant. Ibang iba sa Ravena's mansion. Ang naging tirahan ng aming pamilya ng matagal na panahon.



Pero ang bahay na ito ni Kai ay ibang iba. Tinignan ko ang hagdan na papuntang second floor, pati ang pader na kulay puti. Very light and airy. Ibang iba sa kinagisnan namin.



"We have guests, Dara" at lumingon siya sa daan patungo yata sa kitchen yon.



"Mga lalaki ba? I hope mga guwapo?" Nakita ko kung paano bumigat ang tingin sa akin ni Kai dahil sa pagka sabi ko.



"They're my friends Dara."



"Then they shall be my friends too, Kai or.... am i not invited in? Aalis na lang muna siguro ako."



"I really am glad to see you, Dara kaya halika na." At nilagay  niya ang kamay niya sa likod ko habang papunta kaming dining room.



"Sigurado ka talaga Kai ha?" He looked at me sharply.



At bago pa ako makareklamo ay andito na kami sa dining room. Napako ang atensyon ko sa mahabang table.



Tinignan ko isa isa ang mga tao na nandoon. Nandoon si Sheena na nakaupo sa right side ng dulo ng table katabi ng isang bakanteng upuan na obviously kay Kai iyon bago siya lumabas para tignan ako.



Kitang kita ko ang gulat sa mga mata ni Sheena.



Tinignan ko ang babaeng nagpaibig kay Kai at siya ring dahilan ng lahat ng ito.



A year ago, ilang weeks mula ng dumating si Sheena sa mansion, nagkawatak watak ang pamilyang Ravena at kasamang nawasak ng aming tahanan.



Simple lang ang scheme ng aming ina na si Yvette at tutol ako dun. Pero Kai had been instantly captivated by Sheena. At tama ako maling mali ito. Gusto ni mama na maakit si Kai kay Sheena para he would mate before it was too late for him. Para maipagpatuloy ang lahi namin.



Hindi intensyon ni mama na mainlove si Kai kay Sheena at mahalin din siya ni Sheena in return.



Nakatingin lang ako kay Sheena na ngayon ay asawa na malamang ni Kai. Nginitian niya ako bilang tanda ng pagwewelcome niya sa akin sa kanilang tahanan.



Kai had finally found the love he's looking for so long, but had he destroyed us in the process?



Unti unting namuo ulit ang galit sa aking dibdib. Had he betrayed his own family para lang ma obtain ang kanyang mortality at love na matagal na niyang inaasam? Napaka selfish naman niya kung ganun.



Iyon ang kailangan kong malaman. What mama and lola maria, had tried to do to Kai had been wrong, at wala akong nagawa para pigilan iyon at balaan siya.



Pero hindi pa rin namin deserved na mamatay. Hindi namin deserved ang ganoong parusa.



Napatingin ako sa ibang tao sa lamesa at may tatlo pang lalaki na nakaupo. Tumayo sila agad pagkakita sa akin. Lumingon ako kay Kai at nakita kong kinakabahan siya. Bumulong ako sa kanya.



"It's alright brother, i promise..... i wont eat them." sabay ngiti ng nakakaloko.



At biglang namutla si Kai sa sinabi ko.



***

My Immortal Love ( EXO FF )Where stories live. Discover now