Chapter 23 Information Gathering

1.1K 45 18
                                    

Umupo si Chann sa tabi ng bangkay at yumuko para makita ito ng mabuti. Sa isang tingin pa lang dito, ay masasabi niyang tama nga ang sinabi ng kanyang chief na kaparehas ito ng kaso nung bangkay sa sementeryo.





May dalawang puncture wounds din ito sa gilid ng kanyang leeg, namumutla at nangungulubot na ang balat nito.





"Pupusta ako, na walang makikita ni isang patak ng dugo ang mag au-autopsy dito." Sabi ni Chann.





"Mukha nga e." Sabi naman ni Baek.





"Nakita mo na ba sa lisensya niya kung ilang taon na siya?" Tanong ni Chann.





Kinuha naman ni Baek ang wallet ng biktima at binuklat ito.





"Born in 1990. Twenty five years old na siya Chann."






"Does he look like twenty five to you?" Sabay tingin kay Baek.





"Sa totoo lang pre, mukha na nga siyang eighty five eh."





"Wala na kasing dugo ang isang to sa katawan kaya ganun." sabi ni Chann.






"Dalhin niyo na yan ngayon sa morgue Baek, at sabihin mo sa medical examiner na si D.O, ibigay niya ulit sa akin yung report na inilagay niya kahapon sa desk ko." Sabay tayo niya at naglakad papunta sa pinag parkingan niya ng kanyang kotse.




Naisip ni Chann na may gumagalang serial killer. Hopefully he was wrong. Hindi kailangan ng bayan ng San Miguel ng isang serial killer. Lalo na nung mahilig sumipsip ng dugo ng kanyang biktima.

My Immortal Love ( EXO FF )Where stories live. Discover now