Chapter 39 Phone Call

651 30 12
                                    

Hawak ni Kai ang isang pouch ng dugo na isinasalin niya ngayon kay Dara. Hindi rin siya sigurado sa sarili niya kung nagwowork ba iyong ginagawa niya na ito. Sinasalinan niya ng dugo si Dara ilang beses sa isang araw habang mahimbing itong natutulog. Hindi na dapat siya makakaramdam ng gutom pag gising niya pero...





"Kai?"





Lumingon si Kai at nakita niya si Sheena na nakasilip sa may pinto.





"Chann is on the phone, hinahanap ka."





"Pakisabi sa kanya love sandali lang."





Tahimik na isinarado ni Sheena ang pinto at tinuon naman muli ni Kai ang atensiyon sa kapatid. Hindi na dapat siya nakakaramdam ng cravings sa dugo dahil lagi siyang busog, pero patuloy pa rin ang pagpatay na nagaganap.





Ayaw sana paniwalaan ni Kai na si Dara ang responsable doon, pero paano naman siya nakasisiguro? Nagsimula lang naman lahat ng ito nung nagbalik dito si Dara.





Coincidence lang ba ang lahat? Kai wanted to believe it was, but the doubts wouldn't leave his mind. Isa pa rin naman siyang Chaser. Ang mga nangyayaring pagpatay kasi ay obvious namang kagagawan ng isang Chaser.





Ipinikit ni Kai ang kanyang mga mata ng ilang segundo, at hinayaan ang mga alaala na punuin ang kanyang isipan. Ang kanyang mga lola na si Maria at Margarita,ang kanilang mama na si Yvette at maging si Dara, had never been like him. Tanggap nila kung ano sila. Proud sila na Chasers sila, at hinala ni Kai na ineenjoy nila ito.





Nag iisa lamang si Kai sa pamilya nila na hindi gusto ang pagkatao niya at isinusumpa ang pagiging isang Chaser. Pero natagpuan na niya ngayon ang lunas para makawala sa sumpa ng kanilang lahi. How he wished na kasing simple lang ito ng pagsasalin ng dugo galing sa kanyang laboratory gaya ng ginagawa niya ngayon kay Dara. But it wasn't.





My Immortal Love ( EXO FF )Where stories live. Discover now