Chapter 18 Luhan's Turn

1.2K 49 9
                                    

Nakaupo si Kris sa left side ni Dara at sa right side naman nakaupo si Luhan. May soft music na tumutugtog sa background at sumasabay ito sa pag uusap ng guests kung saan ay hindi interesado si Kris.




Pinaglaruan lamang niya ang pagkain na nasa plato niya habang nakikipag usap si Dara kay Luhan.




Nag lean forward si Kris at tinignan ng masama si Luhan na siya namang in-ignore nito.




"At least Chann Gabriel was gone. That was something to be thankful for." Sabi ni Kris sa isip niya. Sabay inom ng wine na nakalagay sa baso sa harap niya.




Nawala ang atensiyon ni Luhan kay Dara because of a woman who sat on his other side. Isa itong blonde, maingay at halata namang isang malanding babae. Tumawa ito ng may kalandian at nag lean over para bumulong kay Luhan, dahilan para lumabas ang nagmumurang cleavage niya sa kanyang tube gown.




Kinuha ni Kris ang opportunity na ito para makasingit sa atensiyon ni Dara.




"Dara," inilapit ni Kris ang ulo niya at hininaan lang ang boses niya.
"Gusto mo bang maglakad lakad muna tayo sa garden?"




Kailangan niya ulit masolo si Dara. It was the only way he might find out, ito lang ang paraan para madiskubre niya ang hinala kahit di pa siya sigurado dito. Kailangan niyang magpanggap na manliligaw ni Dara at makuha ang tiwala ng dalaga para di siya mahalata. Pero mahihirapan siyang gawin iyon lalo na at nakiki epal itong si Luhan at Chann.




Nang una palang niyang nakita ni Kris si Dara ay naghinala na ito. All the signs were there. The pale, almost translucently white skin, the lack of appetite, and the absence of reflection.




Napaka ingat din niya at laging umiiwas sa mga salamin, na halos kakaunti lamang sa bahay ni Kai.




Pero napansin na ni Kris na wala siyang reflection sa may glass door papasok sa dining room noong una silang nagkakilala doon. Narinig na rin kasi niya dati ang mga age-old rumors na kumalat noon patungkol sa pamilya Ravena.




Pero siyempre, wala namang maniniwala sa kanya kahit mapatunayan niya pa ang totoo, but it doesn't matter. Wala din naman siyang balak na sabihin sa kahit kanino. Hindi iyon ang purpose niya.

My Immortal Love ( EXO FF )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang