Chapter 19 Reply 1850

1.1K 51 13
                                    

Dara's POV





Nafu-frustrate na ako sa mga pinag iiisip ko dito kay Luhan. Tama nga siguro si Kai, masyado lang akong pagod sa byahe saka napaka OA lang siguro ng imagination ko.





Obvious naman na napaka taas ng respeto ni Kai para kay Dr. Carl Luhan de Guzman, kaya siya ang tipo ng tao na hindi ko dapat gawan o pag isipan ng masama.





Nag cross arms ako at di sinasadyang napadikit ang siko ko sa braso ni Luhan.





Bakit nga ba kasi hindi ko maalala kung saan kami nagkakilala? He was so familiar talaga.





Kaya kong alalahanin kung ano ang mga pangyayari, mga pangalan at kung ano ang itsura ng mga tao kahit one or two hundred years ago na ang nakalipas. Samantalang si Luhan na mukhang nasa twenty eight to thirty years old lang na edad ay hindi ko maalala kung saan ko siya nakita o nakilala.





Not unless siya ay... kinikilabutan pa rin ako sa tuwing naiisip ko ang hinala ko sa taong ito. Na siya si Lay Francisco. Ang taong gustong pagtangkaan ang buhay ko matagal ng panahon ang lumipas.





"Luhan." sabi ko pambabasag ng katahimikan.





"I know this may sound silly or like a pick-up line na napapanood sa tv. Pero pakiramdam ko matagal na kitang kilala, as if we've met somewhere before."





"Talaga?" Sabi niya gamit ang manly niyang boses sabay ngiti niya sa akin.





Tinignan ko siya kung may takot sa mukha. That was exactly the type of response Lay used to offer to my comments. A question rather than an answer.





My Immortal Love ( EXO FF )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon