Chapter 27 Black Hair

919 37 6
                                    

Nagising si Chann kinaumagahan mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Sa unang pagkakataon mula sa mahabang panahon ay ngayon lamang siya gumising ng may mga ngiti sa kanyang labi.






Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga pangyayari kagabi. Naisip niyang magluto na muna ng almusal, malamang ay mahimbing pa ring natutulog si Dara sa kanyang kwarto ngayon dahil halos mag uumaga na rin silang natulog kanina.






Napagkasunduan kasi nila ni Dara na doon na lamang sa kwarto niya matulog habang siya naman ay sa may sofa sa sala. Ayaw na kasi niyang pauwiin ang dalaga dahil delikado ang mag isa sa daan.






Nang matapos siyang magluto ay naisipan niyang silipin ang dalaga sa kanyang silid. Nung binuksan niya ang pinto ng kanyang kwarto ay laking gulat niya na wala na sa higaan si Dara.






"Ang aga naman nagising nun? Siguro nasa banyo." Bulong ni Chann sa kanyang sarili. Naisipan naman niyang katukin ang banyo.






"Dara? Halika na sa kitchen, breakfast is ready!"






Ngunit walang sumasagot sa loob ng cr kaya muli siyang kumatok sa may pinto. Pero nung wala pa ring sumagot ay pinihit na niya ang doorknob at nakita niyang wala doon si Dara.






Nadismaya si Chann dahil sa pag aakala niyang nasa bahay pa niya si Dara at makakasama man lang niya ito sa breakfast. Siguro ay mas maagang nagising sa kanya ang dalaga at napagpasyahan ng umuwi.






Umupo siya sa may hapag kainan ng mag isa. Naisip niya, panaginip lang ba lahat yung kagabi? Nagpunta ba talaga si Dara dito? Halos mawalan ng ganang kumain si Chann.






***






Chann's POV







Si Dara lang ang tanging babae na nakapag palambot ng matigas kong puso magmula noong namatay si Minzy. Ang akala ko ay hindi ko na muling mararamdaman ang ganitong pakiramdam. Ayoko man aminin sa sarili ko, pero hindi ko naman ginustong mangyari ito.






Ayokong munang mainvolve sa mga commitments at walang katapusang mga pangako ng pag ibig. Naranasan ko na kasi iyon dati with Minzy, and it had been wonderful, the happiest time of my life.




My Immortal Love ( EXO FF )Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz