Chapter 32 Luna

809 38 5
                                    

Chann's POV





Kumatok ako sa may pintuan ng bahay ni Luna. It was still only late afternoon, pero dito sa mga nakatira sa may gitna ng gubat ay mistulang gabi na. Kakaunti lamang ang pumapasok na sinag ng araw dito dahil na rin sa kapal ng dahon ng mga punong kahoy dito.





Di nagtagal ay bumukas ng dahan dahan ang pinto at iniluwa nito ang matandang babae na siya naman talagang pakay ko dito.





"Magandang araw po!" Bati ko kay Luna.





Tumango lamang siya na para bang ineexpect niya ang aking pagdating at humakbang paatras sa pinto para makapasok ako  sa loob ng kanyang tahanan.





Halos labinlimang  taon na rin mula nung huli akong nakapunta dito at nakita si Luna. Matagal na ang panahon na lumipas ngunit wala pa rin pagbabago sa kanyang itsura. Kahit matanda na ito at kitang kita ang mga kulubot sa balat ay mukhang napakalakas pa rin nito. At ang buhok niya, imbes na dapat ay puti ay itim na itim pa rin ito.





Halos di ako makapaniwala sa nakikita ko. Una kong nakita si Luna nung five years old pa lamang ako. At ganitong ganito din niya ako kung tingnan noon. Ang akala ko nga sa mga panahon ngayon ay pumanaw na itong matanda. Pero kung sakali mang mamatay si Luna ay unang una kong mababalitaan iyon sa aking mama.





"Kailangan mo ng tulong." Mahinahon niyang sabi sabay turo ng upuan para makaupo ako.





"At mga kasagutan." Dagdag niya.





"Opo." Sabi ko saka umupo.





Tumango naman siya saka nagsalin ng tsaa sa dalawang tasa galing sa pot. Tinanggap ko naman ang tasang ibinigay niya. Maraming tao ang nakakakilala kay Luna ngunit walang nakakaalam ng kaniyang kabaitan.





My Immortal Love ( EXO FF )Where stories live. Discover now