Chapter 35 In Danger

779 38 4
                                    

Parang napako lamang si Luhan mula sa kanyang kinatatayuan, at nagpipigil ng kanyang paghinga dahil baka maramdaman na naman ni Dara ang kanyang presence. Ang kanyang black coat at black jeans na suot niya ay nakatulong para mag blend-in siya sa madilim na paligid.





Hindi gugustuhin ni Dara ang kanyang pagsunod sunod at pagmamatyag ni Luhan sa mga kilos niya at hindi gugustuhin ni Luhan na magalit sa kanya si Dara.





At kahit na malaman pa ni Dara ang totoo tungkol kay Luhan, ay natatakot ang binata na hindi siya tanggapin nito lalong lalo na dahil ang atensiyon nito ay nakatuon lamang kay Chann.





Ang kanyang mga daliri ay napahawak sa katawan ng puno na kanyang pinagtataguan. Pinagmasdan niya ang kagandahan ni Dara. After all these years, naisip niyang parang kailan lang mula noong nagkawalay sila nito. Bigla namang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ni Luhan.





Naghihinagpis ang damdamin niya. Hindi naging maganda ang huling pagkikita nila ni Dara. Their parting had been devastating. Napakasakit. Napakahirap. Puno ng galit at paghihirap ang naramdaman niya noon at pati na rin si Dara.





Naisip niyang siguro this time, ang tanging paraan para i-save si Dara ay first, get rid of what was danger to her, ...sa kanila ng kapatid niya.





At ang panganib na iyon, sa pagkakaalam ni Luhan ay si Chann Gabriel. The mere thought brought a smile to Luhan's lips.





***





Chann's POV





Naglakad ako patungo sa aking sasakyan. Halos ginabi na rin pala ako dito sa bahay ni Luna. Rinig ko na rin ang huni ng mga insekto dito sa gubat pag gabi na.





"Chann."




My Immortal Love ( EXO FF )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang