Chapter 30 Dinner Date

850 42 7
                                    

Dara's POV





Hindi na nakakibo si Kai sa sinabi ni Kris. Pakiramdam ko naman ay halos hindi ako makahinga kasi parang biglang may nagbara sa aking lalamunan. Bumilis din ang pagtibok ng puso ko dahil sa mga narinig.





Alam ni Luhan ang tungkol kina Suho at Jessica... but how? Paano niya nalaman iyon? Binalot naman ng pangamba ang puso ko. May alam si Luhan, at sinabi pa niya iyon kay Kris.





Bigla naman nabuhay ang alaala ng hinala ko kay Luhan mula nung una kaming nagkakilala. Pero tama nga ba ang hinala ko nung una pa lang? Na kaya pala pamilyar ang pakiramdam ko sa kanya pag kasama ko siya ay dahil siya Lay Francisco? Binalot naman ng kilabot ang buong katawan ko sa naisip ko.





Alam ni Lay ang tungkol kay Suho. Sinabi ko iyon noon sa kanya. Dahil ang akala ko noon ay mahal ko siya at mahal niya rin ako. Sinabi ko sa kanya ang lahat lahat, tungkol sa sarili ko at sa aking pamilya. At naikuwento ko rin sa kanya ang tungkol kay Jessica at Kai.





"Holy shit!" Mahina kong bulong sa sarili. Natatakot ako sa posibleng kahihinatnan nito.





Napalingon naman si Kris sa banda ko at nakitang nakababa na pala ako ng hagdan tapos ay ngumiti siya sa akin.






"Dara! Grabe ang ganda mo naman. You look wonderful." Sabi niya habang nakatingin at naglalakad papunta sa akin.






"I'm so glad you accepted my invitation, and sorry din dahil sa biglaan kong pag imbita sayo. Busy kasi akong naka duty sa ospital tapos kaninang tanghali lang ako nakaluwag sa work, bigla ka namang pumasok sa isip ko kanina kaya ayun nga, nagpadala ako flowers and invitation."






Pinilit kong ngumiti sa sinabi ni Kris at inayos ang composure ko. Nalingon naman ako kay Kai, at hanggang ngayon ay nakasimangot pa rin dahil sa mga sinabi ni Kris kanina.





My Immortal Love ( EXO FF )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon