Chapter 54 Chann Vs. Kris

443 20 2
                                    


A soft rustling noise alerted Chann, ibig sabihin hindi siya nag iisa. Agad naman niyang binunot ang baril na nakasabit sa kanyang baywang at itinutok iyon sa madilim na kapaligiran. Pero nothing moved.






Nagsitayuan ang mga balahibo sa kanyang batok dahil sa kilabot. Pakiramdam niya na something, or someone is out there. Watching. Waiting. Hindi gumagalaw si Chann sa kanyang kinatatayuan sa isang madilim na bahagi across sa may Spazz bar kung saan napili niyang magbantay at hulihin kung sino man ang gumagalang kriminal na iyon.






Isang pigura ang bigla na lang din lumabas mula sa dilim papunta sa kanyang harapan. Biglang nakaramdam ng kaba si Chann at hinawakan ng maigi ang kanyang baril at itinapat doon.






Mas lalo pang humakbang palapit sa kanya ang pigurang iyon at saka unti unting natapatan ng liwanag ng buwan ang kanyang katawan.






"Chann." Sabi nito. Chann felt a moment's relief ng makilala niya si Kris sabay sukbit ulit ng kanyang baril sa kanyang baywang. Pero napalitan naman agad iyon ng paghihinala towards him.






"Kris, ano naman ang ginagawa..." hindi na niya natapos ang itatanong ng biglang sumingit si Kris.






"Sa akin lang siya Chann." Napakunot naman ang noo ni Chann sa sinabi ni Kris.






"Sino?"






"Oh please, huwag na tayong maglokohan pa dito. You've been interfering in my relationship with Dara, and I can't tolerate it any longer. Si Dara at Ako lamang ang nababagay para sa isa't isa dahil magkapareho kami ng uri."






"Magkapareho ng uri?" Nagtatakang tanong ni Chann.






"Yes. We are alike. Pareho kaming Chaser." Sabay taas ng isang bahagi ng kanyang labi. "Oo nga pala, hindi mo siguro alam kung ano ang lahi ng mga Chaser di ba?"

My Immortal Love ( EXO FF )Where stories live. Discover now