Chapter 6 Moment of Truth

2.2K 73 10
                                    

Dara's POV



"Ace?!!!" Sabi ko habang gulat at nanlalaki ang mga mata.



Napahinto ang isang malaking itim na pusa habang tinititigan ako gamit ang kanyang malalaking mata na kulay green.



Nagmadali akong tumakbo papuntang sala para yakapin siya.



"Namiss kita Ace ko!" Tuwang tuwa talaga ako na makita siya at hinimas ko siya sa kanyang ulo. Tumalikod ako para humarap kay Kai.



"Akala ko kasama siyang namatay sa sunog..."



"Sheena found him afterwards," sabi ni Kai sabay umupo sa sofa.



"Si Sheena...." bulong ko sa aking sarili.



Napatingin na lang ako sa staircase nila papuntang second floor. Pagkatapos kasing umalis ng mga bisita, nagpaalam na rin si Sheena na matutulog na at tahimik na umakyat sa itaas, naramdaman yata niya na gusto akong kausapin ni Kai ng sarilinan.



Bigla namang nagpapasag si Ace sa braso ko dahilan para mabitawan ko siya at nagtatakbo paakyat.



"Well, I guess he's not so glad to see me." Malungkot kong sabi.



"Where have you been Dara?" Biglang sabi ni Kai, ignoring the cat.



"Bakit mas mukha yatang hindi ka masayang makita ako kaysa kay Ace?"



"Hindi naman sa ganun Dara, alam mo yan... masaya akong makita ka. Masyado lang talaga akong nagulat, that's all." Seryosong sabi sa akin ni Kai.



"I thought you were. . . I mean. . . Nasa farm kasi ako nung nangyari yun nang makarinig ako ng kakaibang mga ingay. Nakita ko agad yung malaking apoy and by the time na nakatakbo ako pauwi sa bahay ay natupok na ito ng apoy." Sabi niya habang umiiling na para bang gusto niyang burahin sa isip niya ang mga alaalang iyon.



"It burned so fast Dara... so fast. Sinubukan kong pumasok. Sinubukan kong sagipin ka at yung iba pa... p-pero....."



Sandali siyang natigil sa pagsasalita, saka muling humarap sa akin. Nagtama ang aming mga mata na para bang nagtatanong sa isa't isa.



"I thought I was the only one left." Dagdag niya.



Bigla akong napatayo sa kinauupuan kong sofa nung sinabi niya iyon.



"But you weren't." Malamig kong nasabi. Hindi ko man gustong bigyan siya ng hint sa kung ano talaga ang tunay kong nararamdaman pero di ko mapigilan.



Then he looked at me sharply. Tumayo na lang ako sa tapat ng bintana habang nakatalikod sa kanya.



Mukhang medyo nakakahalata na si Kai na pinagdududahan ko siya.



Pinagmasdan ko lang ang madilim na gabi mula sa bintana. Nagkamali ba ako? Totoo kaya ang mga pinagsasasabi noon ni lola Maria? Was it possible for a Chaser to become mortal? Sabi kasi ni lola na pwede daw mangyari iyon, na kapag ang isang mortal ay nagmahal ng isang chaser at matanggap nito ang kanilang katauhan.



Human. Mortal. Hindi ko gusto iyon at hindi ko kailanman gugustuhin iyon.



But then, kung totoo man iyon, bakit hindi ako naging mortal nuong minahal ko si Suho? He had loved me enough to die in an effort just to save me, so bakit hindi naman ako naging mortal?



My Immortal Love ( EXO FF )Where stories live. Discover now