Chapter 22 Second Victim

1K 43 10
                                    

Kai's POV





Naupo ako ngayon dito sa may upuan na nasa likod ng aking malaking lamesa dito sa loob ng study room. Hindi kasi ako makatulog kaya ako pumunta dito, ayoko naman na pati si Sheena ay maistorbo sa kanyang mahimbing na tulog dahil lamang sa hindi ako makatulog.





Maya maya pa ay narinig ko ang mahinang pagbukas ng pinto sa may sala. Narinig ko rin ang mahina ngunit nagmamadaling footsteps ni Dara habang paakyat ng hagdan.





I would have to wait at least one hour or maybe longer, para masiguro kong nakatulog na siya ng mahimbing bago ko gawin ulit sa kanya ang pagsasalin ng dugo.





Hindi na niya kailangang malaman pa kung ano ang ginagawa ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung ano ang irereact niya kung sakaling malaman niya at hindi rin naman ako sigurado kung may naitutulong ba na mabuti itong ginagawa ko.





Kung nagwowork naman kasi itong pagsasalin ko ng dugo sa kanya, I would have expected her to say something by now, para tanungin niya ako dahil hindi siya nakakaramdam ng pagka uhaw sa dugo. Pero hindi niya ginawa.





Isa lang ang ibig sabihin nun.. na hindi niya ako pinagkakatiwalaan. Pero pwede rin naman na hindi umeepekto ang ginagawa ko.





Binuksan ko ang drawer dito sa aking study table. Kinuha ko ang needle, tubing, saka yung bag ng dugo na iniuwi ko galing sa lab.





Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito gagawin sa kaniya dahil panigurado ako di magtatagal ay magtataka siya at magtatanong. Di rin magtatagal ay malalaman din niya ang totoo at wala na akong magagawa pa doon.





Sumilip ako sa medyo nakaawang na pinto at nakita ko si Dara na nagmamadaling umakyat ng hagdan. Hindi niya napansin na nakaawang ng kaunti ang pinto kaya hindi niya ako nakita.





Pero ako, kitang kita ko siya pati na rin ang punit sa sleeve ng kanyang damit. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marealize ko kung ano ang ibig sabihin ng punit sa damit niya na yon.






***





Chann's POV

My Immortal Love ( EXO FF )Where stories live. Discover now