Chapter 9 Following Chann

1.8K 58 6
                                    

Dara's POV



Sinundan ko lang ng sinundan si Chann hanggang sa makarating siya sa police station. Hindi ko alam kung bakit, basta gusto ko lang na sundan siya sa mga ginagawa niya at iyon ang ikinaiinis at hindi ko maintindihan sa sarili ko.



I didn't usually do things without a reason kaya hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Ano bang mayroon diyan kay Chann Gabriel, isang mortal, at nagkakaganito ako ngayon?



Napaka gwapo niya, aminado naman ako dun. Pero marami na rin naman akong naencounter na gwapo over the years, hundreds in fact.



Si Haring Taemin ng Korea ay sobrang gwapo noon, ang heneral na si Minho, ang mayaman  hasyenderong si Key, ang anak ng gobernador na si Jonghyun at ang sikat na sikat na artista sa hollywood na si Onew. Lahat sila pawang nag uumapaw sa kagwapuhan at may kanya kanyang taglay na kapangyarihan sa politics, kayamanan at katanyagan.



Pero ni isa sa kanila, walang nakapag paramdam sa akin gaya ng nararamdaman ko kay Chann Gabriel ngayon.



Ano nga ba ang mayroon kay Chann? Masyado akong fascinated sa kanya. Crush ko ba siya? O baka naman...



Inalis ko sa utak ko ang thought na iyon.



Itinuon ko na lang ulit ang atensiyon ko pabalik doon sa police station. Nakita ko si Chann mula sa bintana. Nakatayo siya sa tabi ng isang table at kausap ang isang lalaki na naka uniporme din ng pulis.



Inalis ko ang atensiyon ko sa pulis at nag concentrate kay Chann. Tinitigan ko siya at kita ko kung gaano kaitim ang buhok niya, ang mata niyang medyo singkit na may pagka bilugan, ang matangos na ilong, ang may kalakihan niyang tenga at ang pamatay niyang dimples idagdag pa ang tangkad at tikas ng katawan. Perfect.



Tumalikod ako bigla. Kung ano man ang mayroon kay Chann kung bakit ako nagkakaganito ay hindi na muna mahalaga. Makakapag hintay iyon.



Sa isang iglap ay pumasok nanaman sa utak ko ang mga alaala ng una kong minahal na si Suho, pero isinantabi ko na lang muna iyon. Iba si Suho. Minahal ko siya. At hindi ko naman mahal si Chann.



Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ko. I need some time alone. Time para alisin muna sa isipan ko si Chann at isipin yung mga sinabi sa akin ng kapatid ko.



Bigla na lang akong natawa ng mahina dahil naalala ko yung mga akusasyon ni Kai sa aming lola Maria. Alam kong naniniwala si Kai sa mga kwento ni lola lalo na kung paano ito magiging mortal. Napaka imposible naman siguro na patayin kaming lahat ni lola Maria kasama na ang kanyang sarili para maging mortal lamang si Kai.



Ibinalik ko ang tingin ko sa bintana, kay Chann. Hindi pa rin ako kumbinsido na isa ng mortal si Kai, na mahal siya ni Sheena and acceptance had transformed him, gaya ng laging sinasabi sa kanya ni lola Maria.



He had changed, at kitang kita ko iyon. Lahat ng indikasyon ng pagiging mortal nasa kanya na, including the blue and gold aura... pero si Kai mortal? Napaka imposibleng mangyari nun.



Siguro nagkukunwari lang si Kai. Sinabi siguro niya noon kay Jessica ang totoo kaya inayawan siya nito. Malamang natatakot siyang gawin ni Sheena ang ginawa ni Jessica.



Maybe his entire life now was a charade and he had destroyed his own family para lang sa pansariling kagustuhan niya at panindigan ang kwento ng lola Maria na hindi naman kahit kailan naging totoo.



***



Tumingala si Dara para masilayan ang madilim na kalangitan. Habang nakatingin sa kawalan naramdaman niya ang simoy ng hangin sa kanyang pisngi sabay ng paghangin sa kanyang buhok, at ang pagtama ng liwanag ng buwan sa kanyang balat. Only there did she feel truly free.



Ang kadiliman lang ng gabi ang kanyang savior, ang kanyang buhay. Gustong gusto niya ang liwanag ng buwan, gaya na lang din ng pagkagusto ng mga mortal sa liwanag ng araw.



Lahat kasi ng gusto niya nagagawa niya kapag gabi, at lahat ng gusto niyang puntahan napupuntahan niya. For a few hours every night she was free, and she was happy.



Pwera na lang nung nangyari noong gabing iyon. Ayaw na niya sanang isipin yon pero pabalik balik niya pa rin naalala na para bang dapat niya talagang alamin kung ano ang katotohanan para matahimik na siya.



May nagtangkang pumatay sa kanilang pamilya at napatay na rin siguro siya kung hindi lang sana siya nakatakas. Posible kayang nagsabi ng totoo si Kai? O pinagtatakpan lang ng kasinungalingan niya yung kagagawan niya?



Napuno ng luha ang mga mata ni Dara. Hanggat maaari sana ayaw niyang pagdudahan ang kapatid niyang si Kai. Siya na lamang ang natitirang pamilya nito. At mahal niya ito, kailangan niya din naman ng comfort ng isang kapatid.



Pero anong magagawa niya? Kailangan niyang malaman ang totoo. Ito lamang ang makakapag patahimik ng kalooban niya. Ito lamang ang makakapag paalis ng takot niya na naramdaman mula nung gabi na iyon, at para na rin makakapag paramdam sa kanya ng safe siya.



Muli niyang pinuntahan ang kinatitirikan ng luma nilang mansyon. Kitang kita sa liwanag ng buwan ang matataas na talahib na nakapaligid dito. Gusto niyang umalis na lang sana bago pa niya makita mismo ang kanilang bahay, pero parang may nag uudyok sa kanya na wag umalis.



Maiitim at mga sunog na debris ng bahay ang agad na bumungad sa kanya. Andoon pa rin yung pathway na semento papunta sa kanilang mansion. Pero ngayon para na itong daan papuntang sunog na basura.



Napaka elegante ng kanilang mansion noon na itinayo pa noong late eighteenth century mula sa disenyo ng kanilang lola Maria. Matibay iyon at kayang tumagal ng mahabang panahon. Ito ang naging tahanan ng pamilyang Ravena ng mahigit dalawang daang taon. Pero ngayon ay wala na.



Iginala ni Dara ang kanyang paningin sa paligid na minsan niyang itinuring na tahanan. Naalala niya pa ang mga kasayahan at pagmamahalan nilang magpapamilya dito sa lugar na ito. Napuno ng luha ang mga mata ni Dara at sa oras na ito ay dito niya ibinuhos lahat ng kanyang mga hinanakit.



Nakaramdam siya ng determinasyon sa kanyang dibdib para mabawi ang nawalang lakas na nawala sa kanya ng nagdaang taon. Kailangan niyang alamin kung ano ba talaga ang nangyari, gaano pa man ito kasakit kaharapin at tangapin.



Kailangan niyang ipaghiganti ang pagkawala ng kanyang pamilya, nang sa gayon ay magkapag simula na siya ng panibagong buhay. Siguro babalik na lang siya ng Prado pagkatapos o di kaya ay doon na lang sa dati nilang bahay na nasa paanan ng bundok kung saan siya isinilang.




***



A/N: Sorry po naman sa pamatay na filler chapter na to hehe bawi na lang ako next chap.

Nga pala di naman halata na bet ko ang Shinee sa chappy na to noh? Hihi!

Spoiler Alert: Uuwi na po si Dara kila Kai next chap. Harhar! :)

Vote vote din at comment comment pag may time ano po? ^___= v

Love,

Ang dyosa niong Author :P

My Immortal Love ( EXO FF )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon