Chapter 10 Confrontation

1.7K 61 5
                                    

Nasa sala pa rin si Kai ng dumating sa wakas si Dara sa kanyang bahay. Dahil malamig ang panahon ngayon sa kanilang lugar lalo na sa madaling araw ay gumawa si Kai ng apoy sa may fireplace kanina at naabutan siya ni Dara na nakatayo sa tabi nito.


Nakatalikod si Kai pero ramdam niya na nasa likod niya lang ang kapatid niya. Imbes na lingunin niya ito ay pinagpatuloy lang niya ang pagtitig sa apoy na wari'y isa itong bolang kristal na kayang sabihin sa kanya ang hinaharap.


Sa mga sandaling iyon, pinagmasdan lamang siya ni Dara. Pilit niyang ikinukumpara ang taong nakatayo sa harap niya ngayon sa kapatid na nakilala niya noon.


At kahit na gaano kalaki ang paghihinala niya dito, hindi pa rin siya naniniwala na si Kai ang taong nagtangkang pumatay sa kanya nung gabing iyon.


Hindi naman kasi katanggap tanggap na ang sarili niyang kapatid ang mismong pumatay sa buo nilang pamilya. Pero sino pa bang ibang dapat paghinalaan? Sino bang ibang may rason para gawin iyon?

***

Dara's POV

Lalagpasan ko na sana si Kai nang bigla niya akong hinarap. "Kanina pa ako naghihintay sayo." Sabi niya.

"I know, but I needed some time alone.. to think."

"We have to talk Dara."

Tumango ako at lumapit sa kanya sabay upo sa sofa.

"You don't believe me, do you?" Sabi ni Kai.

Napataas naman ang kilay ko. "About lola Maria?" I just shrugged. Gusto kong malaman ang totoo, pero di pa rin ako naniniwala sa sinasabi ni Kai. Anyway, pano ko naman malalaman kung nagsisinungaling lang siya?

"Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. But why not? It doesn't really matter anymore, does it? They're gone and we're here." Sabi ko.

"Where did you go, Dara?"

"I told you, to Prado."

Kumuha siya ng ilang sanga na kahoy at itinapon iyon sa fireplace. Medyo lumaki ng bahagya ang apoy nito at malakas din ang tunog ng mga nag ka-crack na nasusunog na kahoy.

Chasers did not like fire. Pinagmasdan ko lang si Kai. Nagawa niyang gumawa ng apoy at lapitan ito. Isa siguro itong effort para maconvince niya ako na he had been transformed into mortal. Naisip ko kung ano pa kaya ang kaya niyang gawin. Kaya niya rin kayang iexpose ang sarili niya sa araw?

"I meant tonight, Dara. Saan ka galing ngayong gabi pagkatapos mong umalis dito?"

"Sa dati nating mansion." Sabi ko.

"Gusto ko lang kasing makita ulit iyon. Saka..." nabasag na ang boses ko sa pagsasalita pero pinilit kong ipagpatuloy iyon.
"..hindi ko akalain na ganun katindi ang nangyari doon. There's nothing left... absolutely nothing." Sabi ko habang napapailing na lang.


"At bago ka dumating dito ngayong gabi, where were you?" Sabay tingin niya sa mga mata ko.


"I told you Kai, sa Pra..." pero bigla niyang pinutol ang pagsasalita ko.


"Pagkatapos mong dumating dito sa bayan na ito, at bago ka pumunta dito sa bahay ko Dara." Medyo tumaas ang tono ng boses niya. "Where were you?"


"Nowhere. Kung saan saan Kai. Pero dito ako dumiretso. Ano bang problema mo?"


"Have you hunted tonight, Dara?" Sabay laki ng mga mata niya na para bang may halong paghihinala.


My Immortal Love ( EXO FF )Where stories live. Discover now