Chapter 40

12.3K 221 30
                                    

Ava's POV

Nilanghap ko ang sariwang hangin dito sa hardin. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, nakakahinga ka ng maluwag, hindi mo iniisip ang darating na bukas. Mabagal lang ang takbo ng orasan.

"Ms. Ava someone is looking for you." Napatingin ako sa nagsalita sa likuran ko. "It's Kylie."

Tila biglang kumulo ang dugo ko nang marinig ang pangalan ng babaeng sumira ng pamilya ko.

"Where is she?" Tanong ko. Ang lakas ng loob niyang magpakita sakin pagkatapos ng lahat ng ginawa niya.

Tinuro sakin kung saan naghihintay si Kylie, nakablouse lang ito pero angat na angat parin ang aking kagandahan nito. Nakaramdam na naman ako ng inggit.

"Anong ginagawa mo dito?" Kalmado kong tanong. Umupo ako sa upuang nakaharap sa kanya. "Wala dito si Evan."

'Ang galing galing ng babaeng ito, biruin mo nakarating pa siya dito sa America para manggulo. '

"Alam ko."

"Alam mo pala, so ano pang ginagawa mo dito? You can go Kylie. Wala na akong pakialam sayo at kay Evan. Bahala kayo gawin ang gusto niyo, tutal pinirmahan niya na naman ang divorce papers diba?" Napayuko ito. Anong tingin niya maaawa ako sa kanya.

"I'm sorry Ava. Sorry for everything." Nagsimula nang tumulo ang luha niya. "Alam kong nagkamali ako at pinagsisisihan ko na yun."

"Pwede bang wag mo akong iyakan? Hindi mo ako madadaan sa ganyan. You ruined my life, kayong dalawa ni Evan. Anong feeling na paulit ulit niyo akong ginagawang tanga? satisfying ba ha?" Huminga ako ng malalim. Kailangan ko ng sabihin sa kanya ang lahat, tutal nandito na eh. "Alam mo Kylie, inggit na inggit ako sayo kasi nasayo si Evan tapos gustong gusto ka ng parents ko."

Naalala ko noon kumakain kami ng dinner. 'I like your new secretary Evan, matalino siya at maaasahan. Ano bang pangalan nun? Ahh Kylie right?" Sabi ni Dad kaya tumango si Evan.

"Mabuti nalang at kilala mo siya, atleast hindi ka na masyadong magaadjust.' Bumaling ng tingin si Dad sakin. 'Ava you should meet her anak, para naman maturuan ka niya ng clerical work sa opisina." Nung mga oras na yun gusto kong sigawan ang Daddy ko at sabihing ang pinatuloy nila sa kumpanya ay ang taong sisira sa pamilya ko.

"Lahat ng tao gusto kang maging kaibigan, lahat sila humahanga sayo. Samantalang ako, isa lang akong asawa, isa lang akong ina ng mga anak ni Evan, hanggang duon lang ako. Tinanggap ko naman lahat eh, tinanggap ko ang relasyon niyo, tinanggap ko ang pagkawala ng anak ko."

Dahan dahan itong tumingin sakin. "Nawala ang anak niyo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo. Tinanggap ko ang pagkawala niya. Hindi ko naman kayo sinisi diba, kasi alam kong kasalanan ko rin. Kasi nga inagaw ko siya sayo."

"Sorry Ava. Hindi ako masamang tao, sa totoo lang ako ang inggit na inggit sayo eh."

"Anong ibig mong sabihin?" Nalilitong tanong ko.

"Wala akong pamilya, iniwan ako ng mga magulang ko sa bahay ampunan, ngunit lumipas ang maraming taon walang nagtangkang umampon sakin. Kaya nagsumikap sila sister na tulungan ako para makapagaral."

"Nung nagaaral naman ako, palagi nila akong binubully kasi hindi ako nakikihalubilo sa kanila. Sabi nila pinaampon daw ako ng mga magulang ko kasi pangit ako."

"Naiinggit ako sayo kasi nasayo na ang lahat. Maganda ka, mayaman, may mapagmahal na magulang, may tunay na kaibigan. Samantalang ako si Evan lang ang meron, nakuha mo pa."

Tired of Loving You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon