Tired Of Loving You

27.7K 430 10
                                    

Ava's POV

Sabi nila kapag nakuha mo na ang pinapangarap mo, ikaw na ang pinakamasayang tao sa mundo.

Tama sila, kasi nung nakuha ko yung taong pinapangarap ko at kinasal kami, ako na ang pinakamasayang babae sa mundo nung mga oras na yun.

Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana tila mali ang naging desisyon ko na makuha siya.

"Nasasaktan ako Evan. Ano bang problema mo?" Naiinis na tanong ko sa asawa ko.

"Ikaw, ikaw ang problema ko. Napakalandi mo talaga." Sagot niya na may kasama pang pagduduro.

"Pinagsasabi mo?" Naguguluhan kasi ako sa sinasabi niya. Hinatak lang ako nito sa isa sa mga classroom dito.

"Nakita ko ang tingin sayo ng teacher na yun." Galit na sabi nito. "At ikaw naman alam mong may asawa kana nagpapapansin ka din. Bigyan mo naman ako ng kahihiyan."

Hindi ako sumagot sa kanya. Pumatak nalang ang luha ko sa mata, nasasaktan ako kasi ganun ang tingin niya sakin.

Maglilimang taon na kaming nagsasama ngunit hindi parin ako sanay sa masasakit na salita nito.

"Mom and Dad, are you fighting again?" Tanong ng munting anghel sa likuran namin.

"Offcourse not baby." Sagot ni Evan at lumapit sa anak. "I'm sorry im late, may tinapos pa kasi si Daddy sa work."

"Okay Dad." Humalik ito sa pisngi ng ama. "Mom magsisimula na ulit ang program. Let's go na."

Hindi ako humarap sa kanila, ayokong masira ang masayang araw ni Elli dahil sa pagaaway namin ni Evan. "Yes baby, susunod na kami ng Daddy mo. Maguusap lang kami sandali."

Narinig ko ang yapak nito hudyat na lumabas na ito.

Pinunasan ko ang luha sa mata pagkatapos humarap kay Evan. "Pwede ba wag ngayon Evan, importante sa anak mo ang event na ito. Wag mong sirain dahil sa maling akala mo." At tinalikuran siya. "Oo nga pala yung teacher na sinasabi mo. Adviser yun ng anak mo, nagmamagandang loob lang na suportahan si Elli na dapat ikaw ang gumagawa."

Naiinis na ako dito, lahat nalang ng kilos o galaw ko mali para sa kanya. Wala na itong magandang nasabi tungkol sakin sa limang taong pagsasama namin.

Umupo ako sa tabi ni Elli, humalik ako sa pisngi nito at ngumiti. Tumabi rin si Evan sa anak.

May program sa school nila Elli, siya ang representative ng section niya. Masaya niya itong binalita last month, inaasahan niyang mapapanuod ito ng kanyang ama ngunit nalate ito. Hindi na ako magugulat, wala namang bago duon.

Nang magannouce ng winner, hindi natawag ang pangalan ni Elli.

Pilit lang itong ngumiti sakin kahit alam kong nasasaktan ito. Isang buwan niya ring pinaghandaan ang araw na ito."Elli kahit hindi ka nanalo, ikaw ang pinakamagaling para kay Mommy." Pagpapalakas ko ng loob nito.

"You are the champion and i'm so proud of you baby. I love you." Singit ni Evan at kinarga ang anak.

Evan is a loving father, hindi naman ito nagkukulang sa pagmamahal para sa anak.

"I love you Mommy and Daddy." Sabi ni Elli pagkatapos yumakap samin.

-----------

Nagtake-out kami sa Mcdonald dahil gustong kumain ni Elli ng happy meal.

"Magcr lang ako sandali." Pagpapaalam ni Evan, nandito kami sa sasakyan hinihintay ang order namin dahil 10 minutes pa daw.

Naiwan nito ang cellphone niya na nakalagay sa handbrake. Umilaw ito at dahil sa labis na kuryusidad tiningnan ko.

Tired of Loving You (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat