Chapter 28

12.1K 221 48
                                    

Ava's POV

"Evan anong ginagawa m---." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang humalik ito sa labi ko.

Ramdam ko yung halik ng pangungulila, halik na nanunuot hanggang sa kaluluwa ko.

Hindi ako nakagalaw, hindi ko siya maitulak. Ganito ako karupok pagdating kay Evan.

Tumigil lang ito sa paghalik sakin nang magsalita sila Elli sa likuran namin.

"Daddy." Tumakbo ito palapit kay Evan, nahuli naman sa paglalakad si Elias ngunit yumakap din sa ama. "I missed you Daddy. Bakit ang tagal mo? Uuwi na ba tayo?" Tanong ng panganay ko.

Nakaramdam ako ng awa sa mga bata, wala pa silang alam sa nangyayaring hiwalayan sa pagitan namin ni Evan.

"Soon baby." Ayan na naman ang pangako niyang napapako. "I missed you both. I really missed you." Tumingin ito sakin. Bakit nakakaramdam ako ng tuwa, feeling ko sakin niya sinasabi ang mga katagang yun.

"Ava anak, is the food rea-- Evan." Hindi makapaniwalang sabi ni Mom.

"Mom." Nagbless ito sa Mommy ko. "Kamusta po kayo? Si Dad."

"Okay lang, improving siya. Kamusta ka anak? Ang tagal mong hindi dumalaw. Mabuti naman at hindi ka nahirapang hanapin ang address namin." Ngumiti ito.

"Hindi naman po. Sorry po at natagalan ako." Kakaibang paguugali ang nakikita ko kay Evan, tila nagbago na ito.

"Okay lang yun. Atleast nandito kana, makakasama mo na ang mga bata."

----------

Lumipas ang ilang oras, hindi na ako nagluto nawalan ako ng gana kaya nagpadeliver nalang kami.

Solo ng mga bata si Evan ngayon, kaya hindi ko ito makausap o maistorbo.

"Gusto ko pagwake up ko, your here parin Daddy." Boses ni Elli.

"Offcourse baby. I'm not gonna leave you and Elias."

"Okay goodnight. I love you."

"I love you too." Humalik ito sa noo ng mga bata.

Kanina pa tulog si Elias, pinatulog niya na. Magkasama sila sa iisang kwarto, tapos ako may sarili rin.

Akmang tatalikod na ako nang makita ako nito.

Lumapit siya sakin. "Let's talk please." Tumango naman ako, sinara niya ang pinto sa kwarto ng mga bata.

Bumaba kami sa sala. "Anong paguusapan natin?" Tanong ko

"Ayoko nang mawala sa buhay ng mga bata. Mali ako sa naging relasyon ko kay Kylie at inaamin ko yun." Diretso niyang sabi.

Tumulo ang luha ko, hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Si Evan ba talaga ito, bakit parang ibang tao?

"Ayusin natin ang relasyon natin Ava, hindi lang para sa mga bata kundi para sa ating dalawa." Humawak ito sa kamay ko.

"Evan baka naguguluhan ka lang. Kung gusto mo magpahinga ka muna."

Lumapit ito sakin at pinaharap ako sa kanya. "No! Please give me a chance. Gusto kong mabuo ang pamilya natin Ava. Papasukin mo ako ulit sa buhay mo, sa puso mo."

Napahagulgol ako sa sinabi nito. Naguguluhan ako ngunit may isang salita pa akong gustong marinig galing sa bibig niya.

"Mahal kita Ava." Dahan dahan akong tumingin sa kanya. Yun yung salitang matagal ko nang hinihintay na lumabas sa bibig niya.

Tired of Loving You (Completed)Where stories live. Discover now