Chapter 2

9.8K 207 3
                                    


Ava's POV

"Sige explain mo nga ulit." Nakangiting sabi ni Evan. "Concentrate Ava, you can do it. Ulitin natin."

"Walang pumapasok sa utak ko. Nagugutom na ako." Pagiinarte ko, nandito kami sa library.

Tinuturuan niya ako sa Math subject, hindi kasi ako nakapasok last week. Extra income narin ito para sa kanya. Actually hindi ko naman kailangan magpaturo, dean lister ako. Nagkukunwarian lang ako para makasama siya ng mas matagal.

"Kapag nasagot mo ito. Kakain tayo ng fishball sa labas ng school."

"Libre mo?" Tanong ko.

"Oo, akong bahala sayo. Basta 10 pesos lang ha." Tumawa ito ng mahina.

Evan is different from the others, mabait at masipag ito, hindi siya umaasa sa pamilya niya. Inaalagaan niya ang mga taong nakapalibot sa kanya.

"Ang swerte ni Kylie sayo." Bulong ko.

"Ano? Hindi ka naman nakikinig. Nagsasalita ka diyan magisa." Niligpit niya ang libro na nakakalat sa lamesa pagkatapos pinasok sa bag niya. "Tara na nga, libre na kita."

Nauna itong maglakad kaya humawak ako sa braso nito. "Hintayin mo naman ako. Grabe ka sakin."

Nakarating kami sa labas ng school, marami ngang street foods dito.

"Malinis ba yan? Ayoko kumain." Sabi ko at napalunok sa labis na pandidiri.

"Masarap ito promise. Ate sampung piso nga." Binigay niya ang bayad sa babae at kumuha ng stick at tinusok sa fishball. "Sarap. Tikman mo bilis."

"Ayoko baka sumakit ang tiyan ko."

"Sige na try mo lang para sakin." Nagpacute ito."Tsaka masarap dito kumpara sa ibang street foods na kinakainan mo."

'Tsk! He thinks talaga na kumakain ako ng ganyang pagkain.'

Dahan dahan kong binuka ang bibig ko, wala akong choice. Napasubo na dahil sa kaartehan ko kanina.

Nang matikman ko humirit pa ako ng isa. "Masarap nga, pahingi pa."

"Sabi ko sayo eh. Mas masarap kasi nakikita mo ang kababuyan nila sa paggawa pero wag ka the best ang street foods dito"

"Oo nga, masarap. Isa pa please." Nanghingi pa ako ng isa tapos uminom din kami ng gulaman. Sa totoo lang mas masarap kumain dito kesa sa canteen. "Thank you Evan, grabe ang sarap."

Busog na busog ako habang naglalakad pabalik ng classroom. Sabay na kami dahil same subject naman kami, after nito uwian ko na pero si Evan may try out pa sa football team.

Mabilis natapos ang class, nagpaalam si Evan. Umuwi narin ako para makapagreview sa exam namin bukas.

Katxt ko naman ito. Sinabi niya na pasok daw siya sa soccer team. Masaya ako para sa kanya, grabe ang hirap kaya makasali dun.

----------

"Ava kumain kana, anong oras ka na naman nagising? Late ka na sa class mo." Tanong ni Dad nang makita akong pababa ng hagdan, humalik ako sa pisngi nito.

"Maaga ako nagising Dad." Umupo ako sa tabi niya.

"Kamusta ang grades?"

Ngumiti ako at nagthumbs up sa kanya. Hindi ako makapagsalita dahil puno ng kanin ang bibig ko.

"Verry good. Balita ko may kasama ka laging lalaki. Don't tell me boyfriend mo yun. Pahihintuin talaga kita sa pagaaral."

"Wag naman Dad, ako to anak mo ohh." Tumunog ang cellphone ko, nakita ko na nagtxt si Evan. Mabilis akong tumayo sa hapag kainan. "Dad i have to go. Evan is waiting for me."

Tired of Loving You (Completed)Where stories live. Discover now