Chapter 18

10.9K 235 12
                                    

Ava's POV

"Tabi tayo sa kama Ava." Sabi ni Rii. Magkahiwalay kasi ang kwarto ng babae at lalaki. "Sigurado akong sobrang saya ngayon ni Jeffina, andami niyang lalaki duon."

Napatawa naman ako. Hindi ko alam kung naiinggit ba ito o sadyang naiinis lang kay Jeffina.

Napatingin ako sa phone ko. May tatlong tawag si Evan, napakamot ako sa ulo. Kararating lang namin dito pero tawag na ito ng tawag.

"Mauna na ako sa cr, magpapalit na ako. 1PM daw ang activity natin."

"Sige. Mauna kana. May tatawagan lang ako."

Lumabas ako sa kwarto namin at tinawagan si Evan.

Ring ring ring

"Hello. Don't drink that baby. Oh God!"

"Hello, what is happening?" Nagaalala kong tanong.

"Manang patulong naman kay Elias please." Sigaw ni Evan halata ang pagkainis sa boses nito.

"Evan what the h*ll is happening?"

Napabuntong hininga ito. "Nothing. Why did you call?"

"Kasi tumawag ka ng tatlong beses, akala ko kung ano nang nangyari. Kumain na ba sila?" Tanong ko.

"Yes. Sobrang kalat nila kumain, Elias is crying the whole time gusto niyang magsolo, kaya binigyan ko siya ng plate with food, hinulog niya at tinatapon yung pagkain niya. I'm so stress." Para itong bata kung magsumbong. Ngayon nafefeel mo na hindi biro magalaga ng bata.

"Okay relax Evan. I'll help you. It's time para mag-nap na sila. Timplahan mo na si Elias ng gatas, kasi kapag nanghingi yan gusto meron kaagad. Check mo yung list." Gumawa ako ng lahat ng activity ng mga bata, hindi niya siguro ito nasundan.

"Ava, bilisan mo anong oras na." Si Rii ang nagsalita.

"I have to go, i'll call you later. Bye." Nilagay ko ang phone ko sa bulsa at nagpalit  na ng damit.

"Una na ako. Pupuntahan ko pa si Sir William." May sarili itong kwarto, sympre pang VIP yun.

Tatlong beses akong kumatok. "Hi, are you ready? 1PM ang first activity."

"Yeah i'm done." Sabay kaming naglakad kung saan gaganapin ang activity.

"Hi Everyone. Thank you to each and every one of you for being here with us today. We are very pleased to be able to welcome those of you that have been with us for a long time now as well as those who are new to the WWW Corporation." Nagsimula na ang groupings. Ako nasa tabi lang ni William, as a secretary baka may ipautos ito.

Tawa ako ng tawa nang magsimula na ang activity, para silang tanga kakatakbo. Napansin kong tumingin si William sakin. "Gusto mo bang sumali sa kanila?" Tanong niya.

"Ha? Ahh." Nahihiyang sabi ko.

"Sige, you can join them. Nagpunta tayo dito hindi para bantayan ako kundi para magenjoy kayong lahat." Ngumiti ako at parang bata na tumakbo sa kanila. Sa groupo ako ng girls napunta.

Nagsimula na ang mga activity, ang saya saya grabe. Ang tagal ko bago naexperience ulit yung ganitong pakiramdam, para akong bata kung makatakbo.

Nagulat din ako nang sumali si William, kahit madumi kami dahil nasubsob sa putikan wala siyang pakialam, wala siyang arte sa katawan.

----------

"Grabe ang pogi ni Sir William, lalo na yung naghubad ito ng shirt. Ay naku sherep!" Kinikilig na sabi ni Jeffina.

Tired of Loving You (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat