Chapter 30

11.1K 225 29
                                    

Ava's POV

"Stop it. Makita tayo ng mga bata para kang siraulo." Natatawa kong sabi kay Evan.

Kanina pa kasi ito humihingi ng mabilisang alam niyo. Kung makadikit akala mo higad. "Isa lang naman eh."

"Oo na, later nalang kapag tulog na ang mga bata."

"Yes!" Tuwang tuwa na sabi niya. Ewan ko ba kung bakit walang kapaguran ang lalaking ito.

Mukhang sakin na addict, kahit madaling araw magugulat nalang ako may pumapasok sa pagkababae ko. Hindi ko naman mapigilan kasi gusto ko rin.

Apat na buwan na ang nakakalipas at hindi ko masabi sa isang salita kung gaano ako kasaya na makasama siya. Bumabawi ito sakin at sa mga bata.

Kinakamusta ko rin ang kumpanya, okay naman daw ito. Ang namamahala muna ay si Mikael, isa sa pinagkakatiwalaan niya sa opisina.

"Mommy, Daddy." Nagulat kami nang lumapit si Elli na umiiyak. May sugat ang pisngi nito.

"What happen to your face?" Nagaalalang tanong namin.

"Elias throw me his toy." Sumbong nito.

Tiningnan ko si Evan na parang sinasabi ko na ikaw na ang bahala sa mga bata.

"Okay! I'll talk to your brother. Come here." Napangiti ako sa sinabi nito.

Hay! Ang sarap sa mata nang nakikita ko, Evan being a responsible husband and a father to his children, sobrang achievement ito.

Ito yung pangarap ko eh, simpleng buhay kasama ang mahal ko sa buhay. Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan ng pagalis ko sa pilipinas dapat dati ko pa ginawa.

"Oh. Kumain na kayo anak?" Tanong ni Mom, tumango ako at ngumiti.

"Yes Mom. How about you?"

"Wala akong gana, i just want to eat apple." Sabay kagat niya sa mansanas. "Iba ang ngiti natin ah."

Yumakap ako sa likuran nito, inaasar na naman kasi ako. "Masaya lang po ako Mommy."

"Naku naku! Naglalambing ang baby namin. Siguro kung gising lang ang Daddy mo masayang masaya siya para sayo."

"I know Mom." Huminga ako ng malalim at napatingin kila Evan. "Look at them, mukhang may pinagmanahan talaga si Elias at hindi ako yun, hindi ako ganyan kaarte nung bata ako."

Natawa si Mommy. "Hahaha. Ikaw talaga, sige na't maiwan muna kita, sisilipin ko lang ang Dad mo."

"Ako nalang Mom. Kumain ka na muna diyan." Pagpresenta ko.

Umakyat ako sa kwarto kung nasaan si Daddy.

Alam mo tuwing papasok ako dito, natatakot akong marinig yung life support sytem na nakakabit kay Daddy, feeling ko kasi kapag nawala yung tunog nito mawawala narin siya samin.

Lagi namin siyang kinakausap, sabi kasi ni Doc maganda rin daw ito baka sakaling marinig niya kami.

Umupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay nito. "Kailangan mo nang gumising Dad, we all missed you. Alam mo nagkabati na kami ni Evan, inaayos na po namin ang relasyon namin." Tumulo ang luha ko. "Ito yung matagal niyo nang request diba? Yung ayusin ang relasyon namin. Gusto ko pong makita niyo kung gaano ako kasaya ngayon kasama ang mahal ko."

Pumasok si Evan sa kwarto kaya mabilis kong pinunasan ang luha ko. "Nandito ka lang pala, akala ko nauna ka na sa kwarto natin. Oh bakit ka umiiyak?"

"Wala. Tara na."

"Hindi." Ngumiti siya at humarap kay Dad. "Hi Dad, nagkaayos na po kami ni Ava. Sigurado ako kung nasaan ka man masaya ka para samin. Pangako Dad hinding hindi ko na sasaktan ang anak niyo." Hinawakan nito ang kamay ko at humalik dito. "Aalagaan ko siya at mamahalin katulad ng lagi niyong sinasabi sakin. Gumising ka na Dad, namimiss ka na namin. Ayoko na ring makitang malungkot ang mahal ko." Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa mga narinig kay Evan.

Maya maya pumasok narin si Mommy. "Ako na dito mga anak. Salamat."

"Sige po Mom." Sabi ni Evan at hinatak ako palabas ng kwarto. "Ayokong umiiyak ka, hindi bagay sa maganda mong mukha." Pinunasan niya ang luha ko.

"Sorry. Masaya lang ako." Punong puno ng pagmamahal ang puso ko ngayon.

"Ano game na?" Ngumuso siya sa kwarto namin.

"Hahaha kakaiyak ko lang tapos ikaw puro kalaswaan ang nasa isip mo." Tumawa ito at humalik sa labi ko. Wala naman makakakita samin dahil nasa baba ang mga bata. "Mabilis lang ha."

"Okay." Excited ako nitong hinila sa kwarto ngunit nang makapasok kami sa pinto, biglang narinig namin ang malakas na pagiyak ni Elias.

Napapikit si Evan, ang lakas pa naman ng boses ng bunso namin, akala mo may kinakatay na baboy sa tinis ng boses nito.

"Better luck next time. Mukhang kailangan ka ng anak mo."

"Hay! Napakaarte talaga ng bunso natin. Sayo ata yan nagmana."

"Nagsalita ang pinagmanahan. Totoo nga siguro ang sabi ng matatanda, kung kanino daw nagmana ang bata, yun ang mas nasarapan sa love making ng magasawa." Pagbibiro ko.

Pinisil nito ang ilong ko."Sus! Kaya pala. Sino kaya ang malakas na umuungol sating dalawa? Kaya nga soundproof ang kwarto natin sa pinas because of your moan." Sabi niya at mabilis akong iniwan mag-isa.

"Hoy ang kapal ng mukha mo." 

Napaisip tuloy ako sa sinabi nito. Ibig sabihin gising siya kapag may nangyayari samin noon. Akala ko kasi wala siyang alam kasi lasing na lasing siya, tsaka hindi naman ako ang tinatawag niyang pangalan tuwing may nangyayari samin.

Napataas ang kilay ko, hindi ko na kailangan magisip ng kung ano ano, tapos na yun. Ang importante ay yung ngayon.

Naligo na muna ako at nagfreshen up pagkatapos bumaba na sa sala. Nakita ko ang mga bata na naglalaro. Lumapit si Elias sakin at nagpakarga. "Where is your Dad baby?" Tanong ko.

"Garden po." Si Elli ang sumagot.

"Okay. You want cookies? Magbake ako."

"Yes Mommy. I want strawberry flavor please." Request nito.

"Okay. I'll just call your Dad."

Pinuntahan ko ito sa garden, may kausap pala siya sa phone. Base sa mukha niya mukhang seryoso ang pinaguusapan nila, siguro tungkol sa trabaho.

"I'm doing my best. Just trust me----."

"Evan." Tawag ko sa kanya. Tila nagulat siya at kaagad itong nagpaalam sa kausap niya.

Bakit parang may mali? "Sino ang kausap mo?" Tanong ko.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

Thank you for reading my story.

Dont forget to like and Comment.

Tired of Loving You (Completed)Where stories live. Discover now