Chapter 34

10.4K 238 30
                                    

Ava's POV

"Stay here. We will surprise your Dad later okay?" Sabi ko sa mga anak ko kaya naman tumango sila.

Kararating lang namin dito sa bahay ni Evan dapat isusurprise namin siya ngunit pagdating namin dito, kami ang nasurprise. Sabi ni Manang nagmamadali daw itong pumasok sa opisina niya kaninang umaga.

"Oh magpahinga muna kayo. Alam kong may jetlag pa kayo. Malapit nang maluto itong niluluto ko. Ipaghahain ko na kayo."

"Okay lang po. Pwede po bang humingi ng favor? Dadalhan ko nalang ng pagkain si Evan sa opisina niya." Hindi na kasi ako makapaghintay na makita siya.

Tila nagulat naman ito sa sinabi ko, oo nga pala wala itong alam na nagkabalikan na kami.

Pinakita ko ang singsing sa daliri ko. "Anak nagkabalikan na kayo ni Evan?"

"Opo. Sinundan niya kami ng mga bata sa America, gusto niyang maayos ang pamilya namin."

Pilit itong ngumiti sakin. "Masaya ako para sayo anak, pero sigurado ka bang nakipagbalikan talaga si Evan?"

"Opo. Nagulat nga din ako eh. Sobrang saya ko nung mga oras na yun. Kaya nga po hihingi sana ako ng favor sayo, gusto ko siyang dalhan ng tanghalian sa opisina niya ngayon."

"Osige. Ihahanda ko lang ang baonan niya ." Ngumiti ako dito.

Nakita ko si Elias na natutulog, kaya minabuti ko itong iakyat sa kwarto namin ni Evan. Sinama ko ang panganay ko para makapagpahinga narin, kumain kami kanina habang nasa byahe kaya busog pa kami.

Excited na akong makita si Evan, miss na miss ko na siya. 1 week rin kaming hindi nagkita noh.

Binuksan ko ang pinto sa kwarto namin, malinis ito at walang kalat. Dahan dahan kong binaba ang bunso ko sa kama.

"Rest here anak. Magsleep muna kayo ni Elias para pagdating ni Daddy may energy kayo. Okay?" Tumango ito.

"I love you Mommy." Inaantok na sabi ni Elli.

"I love you too." Humalik ako sa noo nito.

Binuksan ko ang kabinet namin upang kumuha ng extrang unan para ipangharang sa bunso ko nang may matapakang bagay.

Tiningnan ko ito at pinulot. A girl necklace, alam kong hindi ito sakin dahil may pendant na K.

Tila nanlamig ang buo kong katawan, ibig sabihin pumupunta dito si Kylie, dito mismo sa kwarto naming magasawa.

Umiling ako, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. 'Mali ang iniisip ko, hindi niya magagawa sakin ang lahat ng ito. Nagbago na siya diba.'

Naglakas loob akong pumunta sa dating kwarto ng mga bata. Laking gulat ko nang makakita ng isang malaking maleta at hindi ako nagkakamali kung kanino ito.

Tila nanlalambot ang tuhod ko. Pati ba naman ang kwarto ng anak namin, binababoy nila.

Nagsimula nang tumulo ang luha ko. 'Mga h*yok kayo! Manloloko ka Evan!'

Dahan dahan akong bumaba ng hagdan. "Hija nakaready na ang --- bakit ka umiiyak?"

"Umamin ka sakin Manang, dito ba tumutuloy si Kylie?" Nauutal na tanong ko. Alam kong kilala niya ito sa mukha, dahil ito ang lagi naming pinagaawayan noon.

"Magpapaliwanag ako hija."

"No need. Alam ko na, pinagmukha niyo akong tanga lahat. Kulang pa ba ang binigay kong kabaitan sainyo?" Galit na sabi ko at mabilis na kinuha ang bag ko.

Tired of Loving You (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin