Chapter 31

9.6K 208 25
                                    

Ava's  POV

"I'm doing my best. Just trust me----."

"Evan." Tawag ko sa kanya. Tila nagulat siya at kaagad itong nagpaalam sa kausap niya.

Bakit parang may mali? "Sino ang kausap mo?" Tanong ko.

"Uhm... Si Mikael, tumawag tungkol sa trabaho."

"Ganun ba? Sorry naistorbo pa kita."

"No it's okay. Tatawag ulit yun bukas." Lumapit siya sakin at yumakap.

"Okay. Magbabake ako ng cookies, pakarga muna si Elias. Ayaw magpababa eh." Sabi ko pagkatapos binigay sa kanya ang bunso namin.

"May topak na naman ang baby namin? Siguro inaantok kana." Pagkausap niya kay Elias.

Pilit akong ngumiti bago umalis sa harapan niya, dumiretso ako sa kusina at napahilamos sa mukha. Parang may mali talaga, hindi ko alam kung ano, pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Ayokong magisip ng masama tungkol sa kanya, nangako siya sakin na aayusin ang pamilya namin. Hindi naman siguro siya babalik kung sasaktan lang din naman ako diba, para lang siyang kumuha ng bato at pinukpok sa ulo niya.

Inalis ko sa isip ang nangyari kanina, nangunguna parin ang tiwala ko kay Evan at hindi yun magbabago hanggang wala akong nakikitang ebidensya.

Isang oras na ang lumipas, natapos narin ako sa wakas. Kinuha ko ang cookies sa oven.

"Smells good. I'm hungry." Boses ng panganay ko.

"Palalamigin lang natin siya ng konti, then you can eat na with your Dad." Tumango ito.

Nilagay ko muna ito sa lamesa at pinuntahan sila Evan, nakita ko itong pinapatulog ang bunso namin. "Ako nalang diyan. Tikman niyo na ni Elli yung binake ko." Tawag ko sa kanya ngunit hindi ako pinansin. "Evan ang lalim naman ata ng iniisip mo at hindi mo ako napansin kahit nandito na ako sa harapan mo."

"Ha? Sorry." Umiling ako dito at kinuha ang anak namin sa kanya.

"Puntahan mo na si Elli." Sabi ko at inakyat sa kwarto si Elias upang patulugin.

Naiinis ako sa kanya! Kung may problema siya sa trabaho o kung saan man pwede niya naman akong sabihan. Hindi yung nakatulala lang siya diyan na parang hindi ako nageexist.

----------

Tatlong oras na ang lumipas nang may kumatok sa kwarto, kahit ako hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

"Baby, your brother is sleeping." Sabi ko kay Elli.

"It's me." Boses ni Evan, pumasok siya sa kwarto at lumapit sakin. "I cooked your favorite. Sabay na tayong magdinner?" Nakangiting alok niya.

Sino ang maiinis sa ganyang mukha? Nung umulan ata ng kagwapohan, nasa labas siya naliligo nung mga oras na yun.

"Sorry kanina. Ang totoo niyan, may problema sa opisina, may umatras na dalawang investors." Huminga ito ng malalim.

Tila nainis ako sa sarili ko, may problema pala siya sa trabaho tapos kung makapaginarte ako, akala mo ako ang agrabyado.

Importante ang mga investors sa kumpanya namin, isa sila sa dahilan kung bakit malago ang kumpanya. "Tatawagan ko si Mikael, may kilala akong makakatulong sainyo."

"No! Hayaan mo akong ayusin ito. Pagsubok lang yun."

Humawak ako sa mukha nito. "Okay, basta if you need help sabihan mo lang ako. Tutulungan kita sa abot ng aking makakaya. Magtutulungan tayong mag-asawa." Tumango ito pagkatapos humalik sa noo ko.

Tired of Loving You (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora