Chpater 43

10.6K 202 11
                                    

Ava's POV

"Baby, may pupuntahan lang ako sandali ha." Pagpapaalam ni Evan. "I'll be back in an hour." Humalik ito sa labi ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko ngunit nakalabas na pala ito ng kwarto. Nag-unat ako ng katawan at humikab.

It's already 8:30 in the morning. Ang aga niya naman atang umalis, actually ngayon lang ito umalis ng ganito kaaga.

Kung alam ko lang na aalis pala siya, dapat sumama nalang ako kila Dad. May golf sila today, cause it's saturday. Sinama nila ang mga bata, tinanong nila ako nung isang araw pero tumanggi ako kasi walang kasama si Evan, pero ang ending ako ang naiwan dito sa bahay.

Bahala sila! Kung may lakad sila, pwes may lakad din ako. Pupunta ako sa mall, magshoshopping ako. Bibili ako ng mga sexy nighties, tapos hindi ko papansinin si Evan. Bahala siyang maglaway sakin.

Naligo ako pagkatapos nag-ayos ng konti. Nagsuot ako ng summer dress, para girling girly akong tingnan.

Bumaba ako ng hagdan at dumiretso sa hapag kainan. Wala akong gana kumain ng almusal kasi ako lang magisa, uminom lang ako ng gatas at isang slice ng tinapay. Para lang magkalaman ang tiyan ko kahit konti kasi iinom ako ng vitamins.

"I'm done." Pagkatapos kong kumain, nagpahatid na ako sa driver namin sa mall.

Mabilis lang ang byahe, hindi naman nagtratraffic masyado dito hindi katulad sa pilipinas.

"Thank you Manong, tawagan kita kapag magpapasundo na ako." Pasasalamat ko kay Manong Kiko, pilipino din ito. Ofw sila dito sa amerika.

Nakangiti akong pumasok sa mall, naglakad ako papunta sa department store.

Kesa maexcite ako na bumili ng sexy nighties, mas excited akong bilhan ng damit ang mga bata. Ganun siguro kapag may anak na, uunahin mo muna sila bago ang sarili mo.

Ring ring ring

Hinanap ko ang phone ko, tumatawag si Liza kaya kaagad ko itong sinagot.

"Where are you?" Bungad niya.

"Nasa mall. May bibilhin lang ako. Why?" Tanong ko.

"Bakit ka lumabas ng bahay?" Seryosong tanong nito, kaya napakunot ang noo ko. Anong problema nito? Nagaway na naman siguro sila ng asawa niya at dahil galit siya, damay ako.

"Sorry. Wala akong kasama sa bahay, naboboring ako. Tsaka bakit mainit ang ulo mo?"

"Ahh. Ikaw kasi walang pagyaya, alam mo namang babalik na kami sa pinas sa friday diba? Gusto kong makabonding ka."

Natawa ako sa kanya. "Kung gusto mo sundan mo ako dito sa mall. Magshopping tayo."

Biglang umiyak ang anak niya sa kabilang linya. "Tawagan kita ulit mamaya ha."

"Okay." Bigla nitong binaba ang telephono.

Tiningnan ko ang mga size ng damit na kinuha ko at napagdesisyunan na bayaran na ito. Nagenjoy ako sa pagshoshopping kaya hindi ko na namalayan ang mabilis na takbo ng oras.

Nagtext na ako kay Manong Kiko, papunta na ito ngayon.

Palabas na ako sa mall nang may mapansing kamukha ni Evan, namimiss ko na siguro ito kaya namamalikmata na ako.

Huminto ako sandali at tinitigan ito ng mabuti, lumapit pa nga ako ng konti. Hindi naman niya ako napansin dahil seryoso silang naguusap ni Kylie.

'Si Kylie ang kausap niya.' Kinumbinsi ko ang sarili ko na wala ito, na baka OA lang ako.

Kinuha ko ang phone ko at tumawag kay Evan, dito kami magkakaalaman. Okay lang naman sakin na magkita sila, na magusap sila pero sana sinasabi niya sakin.

Ring ring ring

Tatlong ring nang sagutin niya ito.

"Hello."

"Where are you?" Yan ang bungad ko sa kanya. Hindi kaagad ito nagsalita, halatang nagiisip ng pwedeng alibi. "Evan where are you?"

Mahina kong dasal na sana wag siyang magsinungaling, na sabihin niya sakin ang totoo. Hindi naman ako magagalit eh.

"At the mall, with my friend."

"Sino? Do I know her?"

"No." Tila may tumusok na karayom sa dibdib ko.

Mauulit na naman ba ang nakaraan, nagsisimula palang akong buohin ang tiwala sa kanya tapos ito na naman.

Tumakbo ako papunta sa sasakyan, tulo lang ng tulo ang luha ko. Hindi muna ako umuwi, gusto ko munang mapagisa.

Nagpahatid muna ako sa isang hotel, ayoko munang makita si Evan. Ayoko munang magkunwari na okay ako sa harapan nila.

----------

Ring ng ring ang phone ko, tumatawag sila Evan, Liza at Daddy, ngunit sa sobrang pagkainis ko pinatay ko nalang ang phone ko.

Lumabas ako sa terrace ng hotel, gusto kong makalanghap ng sariwang hangin.

'Gusto kong magtiwala sa kanya, ayokong magalit kaagad na hindi naririnig ang paliwanag niya.'

Napapikit ako nang tumulo na naman ang luha ko. Ayokong bumalik sa umpisa, tila na trauma na ako sa mga ganyang taguan, kasi kahit pagbalibaliktarin ang mundo ako parin ang talo sa huli.

"Ava." May narinig akong boses sa likuran ko.

Sh*t! Oo nga pala nakalimutan kong sabihin kay Manong Kiko na wag ipaalam kung nasaan ako.

"Anong ginagawa mo dito? Gusto ko munang mapagisa please."

"Sinabi ni Manong ang nangyari, iyak ka daw ng iyak pagkagaling mo sa mall." Huminga ito ng malalim. "Nakita mo kami?"

Hindi ko siya tiningnan. "Oo. Kitang kita ko. Sana sinabi mo sakin, hindi naman ako magagalit."

"I'm sorry."

"Sorry. Paghingi mo nalang ba palagi ng sorry ang maririnig ko tuwing may pagkakamali ka. Hindi mo man lang ba ipapaliwanag sakin ang mga nangyayari para naman aware ako kung mawala ka." Nagsimula na namang tumulo ang luha ko
"Umamin ka nga sakin. Yung totoo lang please, mahal mo pa ba si Kylie?"

"Kasi kung may pagmamahal ka pa sa kanya kahit 3% over 100. You don't deserves me. Kasi kahit maliit lang yun, it means meron parin."

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya. "Bakit lagi nalang ganito? Nakakapagod na." Umiling ako at tumalikod sa kanya.

"Hindi ko na siya mahal Ava." Sinundan niya ako. "Ikaw ang mahal ko. Nagkasalubong lang kami sa mall ni Kylie, matagal na namin tinapos ang tungkol samin. In fact i'm happy for her because she's married." Yumakap ito sa likuran ko. "Hindi na kita lolokohin pa. Sorry na nagsinungaling ako sayo kanina, ayoko lang naman kasi na malaman mo pa dahil alam kong magseselos ka."

"Yun lang Evan, yun lang ang hinihingi ko sayo. Just a simple explanation." Yumakap ako dito. "Thank you. Ngayon naiintindihan ko na. Hindi naman ako magagalit, ang gusto ko lang magsabi ka ng totoo."

"Okay, sorry. I love you baby."

Napangiti ako. "I love you too." I really love this man na handa akong magpatawad ng paulit ulit.

Lagi kong sinasabi sa sarili ko na normal lang na magaway ang magasawa, tamang communication at pagtitiwala lang sa isat isa.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

Thank you for reading my story.

Dont forget to like and Comment.

Tired of Loving You (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ