Chapter 26

11.8K 254 15
                                    

Ava's POV

Isang linggo na ang nakakalipas ngunit sariwa parin ang pagkawala ng nanay ni Evan.

'Alam kong kahit gaano ka kagalit sa magulang mo, iiyak at iiyak ka parin kapag nawala ito.'

"Coffee po." Ngumiti ako sa nagdala ng kape. Kasalukuyan akong nasa board room ng opisina ni Evan.

Mula nang namatay ang nanay niya mas lalo niyang ginugol sa pagtatrabaho ang sarili. Dalawang beses lang ito dumalaw sa mga bata ngayong linggo.

Actually hindi niya alam na pupunta ako dito. Galing ako sa opisina ko, nagpasa ako ng resignation letter. Bukas babalik ako dun para magpaalam kay William at sa mga katrabaho ko.

"What are you doing here?" Napatingin ako sa may pinto. Umupo si Evan sa tabi ko.

"Kamusta ka?" Nahihiyang tanong ko.

"Kung yan lang ang sasabihin mo babalik na ako sa trabaho." Akmang tatayo na ito nang hawakan ko ang kanyang kamay.

"Ibebenta ko ang shares ko sa kumpanya." Seryosong sabi ko. "Alam kong may 25% akong shares dito. Nakita ko sa documents ni Daddy."

Kahapon napadaan ako sa mini office ni Daddy sa bahay, nakita ko ang ibang documents nito na nakakalat sa lamesa. Binasa ko ito at laking gulat ko nang makita ang shares ko sa kumpanya.

"Ibebenta mo?" Nalilito niyang tanong, alam niya rin pala.

"Oo, ibebenta ko sayo. Para tuluyan ka nang magmay-ari nito. Alam ko kung gaano mo pinagtrabahuhan ang kumpanya at alam ko rin na hindi mo ito pababayaan."

Hindi ito nagsalita at may tinawagan. Maya maya may pumasok na lalaki. "Atty. Chavez. Ava sells her 25 percent share sa company. Pwede bang ikaw na ang umasikaso nito, gumawa ka ng aggreement."

"Yes Mr. Lee, can you give me atleast two hours to prepare the documents?"

"Good. Thank you." Sabi ni Evan, sabay silang lumabas ng board room.

Napaghahalataang walang pakialam sakin, kahit sa harapan ng mga empleyado hindi ako pinapansin na tila wala ako dito.

Two hours pa pala ang hihintayin ko.

Mga 15 minutes may pumasok ulit na babae. "Ma'am Ava kumain ka muna."

"Salamat nalang po. Wala kasi akong gana. Kayo din po ba ang nagdadala ng pagkain ni Evan?" Tanong ko.

"Naku hindi po, si Ma'am Kylie ang umaasikaso ng pagkain ni Sir. Tsaka lagi silang magkasabay na kumain kaya hindi namin sila nakikita."

May tumusok na naman na karayom sa bandang dibdib ko, kaya pala wala na itong ganang kumain tuwing umuuwi sa bahay kasi may kakaibang putahe na pinapakain ang babae niya.

Pilit nalang akong ngumiti at hindi na nagsalita.

----------

Madaling lumipas ang oras, hindi ko man lang namalayan dahil wala ako sa sarili ngayon. "Here's the documents Ma'am Ava. Kindly sign all of the pages."

Tumango ako at nagsimula nang pirmahan ang mga papeless. Ang laki ng perang makukuha ko, kung tutuusin sobra sobra ito para makapagsimula ng panibagong buhay.

"Okay. Thanks Ma'am." Nakipagkamay si Atty. sakin. "Maiwan ko na kayo."

Huminga ako ng malalim."Thanks Evan."

"Saan mo dadalhin ang ganyang kalaking pera? Wala na si nanay, wala ka ng pagaaksayahan." Tila umusok ang tenga ko sa narinig, hindi pagaaksaya ng pera ang pagtulong sa kapwa, lalo na't ina siya ng taong mahal ko.

Tired of Loving You (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz