Chapter 4

8.6K 206 6
                                    

Ava's POV

"Napakaganda mo anak." Sabi ni Mommy, kasalukuyan akong nagsusukat ng gown para sa darating na kasal namin ni Evan.

"Thanks Mom." Pilit akong ngumiti sa harapan niya.

Kinausap ako ni Daddy na kailangan kong magpakasal kay Evan para mapatawad nila ako. Pumayag naman ako dahil mahal ko rin naman siya.

Galit na galit si Evan nang malaman niya yun. Wala naman siyang nagawa kundi sumunod, tinakot ito ni Dad na kapag hindi ako pinakasalan makukulong ito at kakasuhan ng rape.

Nagpalit na ako ng damit. "Dadaan lang ako sa mall Mom. Mauna ka nang umuwi."

"Okay, ingat ka." Ngumiti ako at kumaway kay Mommy.

Niyaya akong kumain ni Evan sa labas, magkita nalang daw kami sa restaurant na malapit dito.

Ngayon lang ito nagyaya kaya masaya ako.

"Hi. Nagorder ka na?" Tanong ko dito. Umiling naman siya.

Walang umimik samin habang kumakain, ayoko rin magsalita dahil baka magalit na naman ito. Pagkatapos naming kumain hinatid na ako nito pauwi.

Para siyang robot, napilitan lang sa pagyaya sakin.

"How are you anak? Nagdate daw kayo ni Evan." Tanong ni Dad, ngayon alam ko na kung bakit ako nito niyaya na lumabas dahil inutusan siya ni Dad.

"Okay lang po. I'm happy."Sagot ko.

"Good, magpahinga ka na."

Akala ko pa naman gusto talaga ako nitong makasama magdinner, yun pala mali ako.

Nagshower ako at nagpaantok na hanggang sa makatulog.

----------

Ring ring ring

"Hello?"

"Kayo po ba si Ms. Kylie? Lasing na lasing po dito ang boyfriend niyo."

"Ano? Sige papunta na ako diyan." Nagaalalang sabi ko.

Sinabi nito ang address, tinawagan ko si Liza para magpatulong sa pagdridrive.

Nang makarating sa bar, nakita ko si Evan na natutulog sa couch. Humingi ako ng paumanhin sa mga naabala nito.

Minabuti nalang namin na dalhin siya sa isang hotel. "Evan wake up." Hindi nito kayang tumayo kaya nagpatulong nalang kami sa staff ng hotel.

Pinahiga ito sa kama. "Kylie, kylie." Paulit ulit niyang sabi

Nahiya naman ako kay Liza kaya pinahintay ko nalang siya sa sala. "Pupunasan ko lang muna siya, then pwede na tayo umuwi." Tumango naman siya.

Pinunasan ko ng towel ang mukha ni Evan. "Kylie." May luha ang kanyang mga mata.

"I'm not Kylie. It's me Ava." Minulat nito ang kanyang mata. Dahan dahan itong tumayo. "Lasing ka, mahiga ka lang."

"Ava. Tulungan mo ako, ayokong magpakasal sayo. Hindi kita mahal si Kylie ang mahal ko." Pagmamakaawa nito.

Tumulo ang luha ko. "Evan matulog ka na, hindi mo alam ang sinasabi mo."

"Alam ko Ava, please nagmamakaawa ako. Pigilan mo ang kasal natin, ayokong magpakasal sayo." Dahan dahan itong lumuhod sa harapan ko. "Sorry sa lahat ng nagawa ko, paninindigan ko ang bata. Hindi ako tatakas. Pigilan mo lang ang kasal Ava." Umiiyak na sabi nito.

Tired of Loving You (Completed)Where stories live. Discover now