Chapter 29

11.2K 217 15
                                    

Ava's POV

"Anak." Boses ni Mommy nang makita akong lumabas sa kwarto ko.

"Mom i can explain." Napalunok ako.

"You don't need to explain." Nakangiting sabi niya. "Nagkabalikan na ba kayo ni Evan?" Napakagat ako sa labi at tumango. "I'm so happy for you. Sabi ko na nga ba magkakaayos din kayo."

"Biglaan Mommy." Yumakap ito sakin.

"It's okay anak. Tawagan mo si Totie."

"Po? Bakit Mom, may ipapaayos ka ba sa bahay?" Nalilitong tanong ko. Si Totie ang anak ng kaibigan ni Mom, siya ang business partner ng architect namin dito sa bahay.

"Ang ingay niyo kagabi. Dapat soundproof na ang kwarto niyo. Nabubulabog ang mga tulog dito sa bahay." Napatakip ako sa mukha, sobrang nahihiya ako ngayon.

Hindi naman ako masyadong maingay kagabi kasi alam kung hindi soundproof ang kwarto ko, si Evan ang ungol ng ungol akala mo aso.

Sabay kaming bumaba ni Mommy sa kusina, kapag ganitong oras nagluluto na ng almusal ang kasambahay.

Ako naman, ireready ko na ang baon at almusal ni Elli, mas gusto ko kasing ako ang umaasikaso ng pagkain nito tsaka hindi naman kasi siya kumakain ng kanin sa umaga, ang paborito nito ay cereal.

"Goodmorning Mommy." Humalik ito sa pisngi ko. "Goodmorning Lola."

"Anong nangyari sa apo ko. Ang aga aga nakasimangot?" Tanong ni Mom kay Elli kaya napatingin ako sa kanya.

"I'm sad. Dad promised me he would not leave, but when I woke up he was gone." Pinunasan niya ang luha sa mata.

Natatawa akong tiningnan ni Mommy. "You can eat na Elli." Sabi ko kaya umupo siya sa may dining table.

Ayoko munang sabihin na nasa kwarto si Evan kasi alam kong iistorbohin niya ito, eh natutulog pa yung tao dahil napagod kagabi. Grabe kasi ang energy, nakailan kagabi parang tanga.

Inasikaso ko ito bago pumasok sa school. May service naman siya kaya hindi na ako mahihirapan, hinahatid ko lang ito sa gate.

"Wag malikot sa school. Okay?"

"Yes Mommy. I love you."

"I love you too. Magsmile ka na kasi tomorrow is saturday, mamamasyal tayo." Ngumiti naman ito at humalik sa pisngi ko.

Kumaway ako sa kanya bago umalis ang school bus.

Naisipan kong dalhan ng pagkain si Evan sa kwarto, pinagtimpla ko din ito ng kape at nilagay sa tray.

Nakapasok na ako sa kwarto nang makita itong mahimbing na natutulog.

Nilagay ko ang tray na hawak ko sa side table, dahan dahan akong tumabi dito at tinitigan siya.

I love this man, nasa kanya na kasi ang lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki. Bonus nalang yung kagwapohan niya.

Humalik ako sa noo niya kaya nagising ito. "What are you doing?" Oh gosh, ang husky ng boses niya.

"Ha? Nothing. Dinalhan kita ng breakfast." Nahihiyang sabi ko, baka isipin niya kung anong ginagawa ko sa kanya.

Akmang kukunin ko na ang tray nang yakapin ako nito. Napaharap tuloy ako sa kanya. Sh*t! Hindi ko kaya yung ganito kalapit.

"You are so beautiful Ava." Titig na titig ang mata niya sakin.

Ngumiti lang ako. "I love you Evan, thank you bumalik ka samin."

Tired of Loving You (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu