Chapter 17

11K 248 4
                                    

Ava's POV

"Ui, tulaley ka diyan. Ano nagpaalam ka na ba para sa team building na gaganapin sa Cebu?" Tanong ni Jeffina.

Napahawak ako sa batok, hindi ko pa pala nasasabi kay Evan. May team building kami sa Cebu at required na sumama ang lahat ng empleyado lalo na't ako ang secretarya ni William.

Wala akong choice kaya kay Evan ko muna iiwan ang mga bata. Medyo matagal ito, 3 days and 2 nights. Kung sakali first time kong hindi makakasama ang mga anak ko.

"Hindi pa eh. Wala pa akong lakas ng loob." Tapos tumawa ako ng mahina.

"Hala ka! Sa Friday na kaya yun. May 2 days ka nalang para sabihin, kaya sabihin mo na."

"Oo, tamang tama pupuntahan niya ang mga bata mamaya. Sige na't tapos na ang lunch break natin. See you tom." Ngumiti ako sa kanila bago nagpaalam.

Bumalik ako sa trabaho, nakaleave si William ngayon kaya ako lang mag-isa sa floor namin, ang alam ko pinatawag siya ng Lolo niya.

Dumating ang oras ng uwian, 7:30PM na ako nakauwi dahil may tinapos pa ako. Dala ko ang sasakyan ko kaya hindi ako nahirapan, mabuti nalang at wala rin traffic sa daan.

Nakarating ako sa hospital kung nasaan ang Dad ko, nakacoma pa rin ito. Sabi ni Doc okay naman ang vital signs niya, improving.

Humalik ako sa pisngi ni Mom. "How's work anak?"

"Okay lang Mom. How about you? May mga pasalobong ako sayo."

"I'm good. Gusto ko nang magising ang Dad mo. It's been months." Nalungkot ang expression ng mukha nito. "I missed him so much."

Yumakap ako dito. "We all miss him. Pero hindi gusto ni Dad na malungkot tayo, tiwala lang kay lord. Malay natin bukas gigising na siya."

"Mabuti nalang lagi kayong nandiyan ni Evan sa tabi ko. Pinapalakas niyo ang loob ko." Ngumiti ito. Salitan kami ni Evan sa pagpunta dito para dalhan si Mom ng mga needs niya. "Speaking of Evan, sigurado ka ba sa divorce niyo?"

"Actually, i already signed it. Binigay ko na kay Atty." Pilit akong ngumiti.

"Why anak? Alam mo kung nandito ang Dad mo, kukurutin ka nun sa singit."

"Yeah i know." Napatawa naman kami. "Namimiss ko na yung malakas niyang boses. Yung pagpapagalit niya sakin, alam mo naman yun kamping kampi kay Evan."

Hindi ko alam kung bakit ganun ang trato nila Dad kay Evan, minsan gusto kong sabihin sa kanila na ako ang anak niyo, ako ang kampihan niyo.

"Kasi kilala namin si Evan anak, he is different. Hindi man niya pinapakita yung mga loving gestures niya sayo pati sa mga bata, ramdam namin na mahal na mahal niya kayo." Sabi ni Mom.

"I don't think so. Siguro sa mga bata but me." Umiling ako. Never niyang pinakita na mahal niya ako.

"Hindi ko nakukuha yang sinasabi mo, may hindi ba kami nalalaman tungkol kay Evan?" Seryosong tanong ni Mom. Ayoko nang dagdagan ang stress niya kaya umiling nalang ako.

"I have to go Mom. Hinihintay na ako ng mga bata." Pagiiwas ko sa tanong niya.

"Okay. Ingat sa pagdrive, ikiss mo ako sa mga apo ko." Tumango ako at nagpaalam na.

----------

Mabilis akong nakauwi ng bahay. Nandito narin pala si Evan, nakita kong nakapark ang sasakyan niya sa garahe.

Napapikit ako at napayuko sa manibela. Gusto ko ng magpahinga nang may kumatok sa bintana ko.

"Goodevening po."

Tired of Loving You (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora