Chapter 45

10.7K 208 16
                                    

Evan's POV

Minulat ko ang mga mata ko, sobrang sakit ng buo kong katawan para akong binugbog na ewan.

"His awake." Boses na nanggagaling sa labas ng kwarto. Patakbong lumapit sakin ang nurse at ang Daddy ni Ava.

"Ano pong nangyari? Si Ava. Nasaan ang asawa ko?" Tanong ko, naalala ko ang nangyari. Naaksidente kami, papunta sana kami sa reception ng kasal namin.

"Kumalma ka Evan. 3 days walang malay kaya nanghihina ka pa."

"Si Ava po, gusto ko siyang makita please." Biglang pumasok si Mommy, maga ang mata nito dahil siguro sa pagiyak.

"Kamusta ang pakiramdam mo anak?" Pilit itong ngumingiti sakin, pero ramdam ko na nasasaktan siya.

"Evan." Huminga ng malalim si Dad. "Wala na si Ava, wala na ang anak ko. Ikaw lang ang nakaligtas sa aksidente."

Napahagulgol ako, parang sinaksak ng paulit ulit ang puso ko. "Hindi yan totoo, niloloko niyo lang ako. Gusto ko siyang makita."

"Sana nga niloloko ka lang namin." Seryosong sabi ni Dad habang tumutulo ang luha nito.

"Sorry po.  Nangako ako sa kanya na proprotektahan ko siya pero hindi ko na naman nagawa." Umiiyak na sabi ko.

"Wala kang kasalanan. Aksidente ang nangyari."Huminga ito ng malalim. "Maiwan ka muna namin."

Paglabas nila ng kwarto, napasabunot ako sa buhok. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.

"Dapat ako nalang ang namatay, dapat ako nalang." Mahinang sabi ko.

Mapagbiro talaga ang tadhana! Kung kailan handa na ako, saka niyo naman siya binawi. Sana hindi nalang ako bumalik o sana sinama niyo nalang ako sa kanya.

Nasasaktan ako! Nagagalit ako sa sarili ko. Ang dami kong hindi natupad, marami pa akong gustong iparanas sa kanya, marami pa akong pagkukulang.

Naguumpisa palang ako eh. Kotang kota na ako sa karma ko, kung alam ko lang na pagkatapos ng saya, ito ang kalalabasan. Sana hindi nalang ako sumaya, kung ito ang kapalit ng lahat. Please bawiin mo na, kunin mo na ang lahat lahat, wag lang si Ava.

Hindi ko alam kung paano ako magsisimula, kung paano ko haharapin ang bawat araw na hindi siya makita o makasama.

Wala akong magawa kundi umiyak lang ng umiyak.

---------

After 2 Years

"Dad, wake up." Naramdaman ko ang panggigising ni Elias sakin. "Sshh... Dad is sleeping. Let's play your ball nalang." Boses ni Elli.

Dahan dahan kong binuksan ang mata ko, may luha na tumutulo dito. Nakatulog pala ako, masarap kasi ang simoy ng hangin dito, maraming puno, naglatag lang ako ng kumot sa damuhan.

Tumagilid ako para yakapin ang puntod ni Ava. "Come back to me please. Nasasaktan parin ako hanggang ngayon." Bulong ko.

"Ikaw parin ang nandito sa puso. I love you wifey." Hanggang ngayon nandito parin yung sakit ng pagkawala niya, hanggamg ngayon dala dala ko parin. Hindi ko nga alam kung kailan ito mawawala eh.

Napatingin ako sa mga bata na naglalaro. Kung hindi dahil sa kanila, siguro hindi ko kakayanin ang pagsubok ng buhay.

"Dad, i'm hungry. Can we go home now?" Boses ng panganay ko, habang lumalaki ito nagiging kamukha ng Mommy niya.

"Okay. Let's go home."

"Yehey!" Tumakbo sila papalapit sakin
"Here's your bagpack." May dala kasi silang tag-isang backpack para sa mga gamit nila.

Tired of Loving You (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang