Chapter 1

16.8K 271 5
                                    

Ava's POV

"Hoy Ava! Mahiya ka naman sa mga magulang mo. Tawag sakin ng tawag ang Daddy mo kagabi." Boses ni Liza ang bestfriend ko. "Akala nila wala ka ng balak magaral."

Humikab ako at kumamot sa ulo, puyat na puyat ako kagabi. Nagparty kami ng mga kaibigan ko, hindi lang sumama si Liza dahil hindi ito pinayagan ng magulang.

Liza is my childhood bestfriend, sobrang bait nito halos hindi makabasag pinggan, sa bagay strikto kasi ang parents niya. Collage na kami pero nagpapaalam parin siya kila Tito, hindi katulad ko takas dito takas duon kapag hindi pinapayagan ni Dad.

"Pwede hinto na. Pumasok na ako ohhh. Tsaka first day naman natin, sure ako orientation lang to." Sabi ko sa kanya, hindi kasi humihinto ang bibig nito kakadaldal.

May lalaking huminto sa harap namin may dala itong bulaklak at chocolate. "Excuse me. Sino ka?" Tanong ko.

Nahihiyang yumuko ang lalaki. "Para sayo to Ava. Napakaganda mo pala sa malapitan."

Napataas naman ang kilay ko, akmang magsasalita na ako nang takpan ni Liza ang bibig ko. "Kunin mo at magthank you ka nalang. Fourth year na tayo Ava, ayoko ng maguidance, first day of class." Bulong ni Liza. "Hehehe gustong gusto yan ni Ava. Diba?" 

"Ahh ehh oo. Salamat." Napalunok ako nang ngumiti ito. Sobrang nakakadiri parang hindi ito naliligo.

Masayang umalis ang lalaki nang tanggapin ko ang bigay niya. "I don't eat chocolates, diet ako. Sayo nalang." Inisnaban ko si Liza at nauna nang maglakad.

Nakakita ako ng basurahan, tinapon ko ang bulaklak na binigay ng lalaki.

Masakit ang ulo ko, ayokong pumasok sa unang class kaya napagdesisyunan ko nalang na pumunta sa library para matulog.

I'm Ava Cecil simple and gorgeous. Marami ang nahuhumaling sa taglay kong kagandahan, marami rin ang may galit dahil naiinggit. Nasa dean lister ako kaya hindi ko kailangan maghabol ng grades. I just want to be happy yun lang ang pangarap ko.

----------

Ilang minuto na akong tulog dito sa library nang may bumagsak na libro sa ulo ko. Galit akong tumingin kung sino ang may gawa nun.

"Hoy ikaw? Bakit mo ginawa yun?" Tanong ko sa lalaking nasa harapan ko.

"Para sabihin ko sayo, hindi tulugan ang library. Umalis kana dito bago pa may makakita sayo." Sagot niya.

Tumayo ako at lumapit dito. "Hindi mo ba ako kilala?"

Ngumiti lang ito, biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ito pangit halatang may lahi dahil sa angking kagwapohan nito. May malaking salamin sa mata parang weirdo na may pagka hot ang dating.

"Hindi. Sino ka ba?"

Kesa makaramdam ng inis, natawa nalang ako sa sinabi niya. "I think your new here. I'm Ava Cecil. One of the famous girls here in Oreans Academy." Nilahad ko ang kamay ko. "Nagulat ka? What's your name?"

"Hindi ako nagulat, feeling ka." His so cute, mukha itong nahihiya na ewan.

"Talaga." Mas lalo akong lumapit dito. Pinaglaruan ko ang necktie niya, impossibleng hindi ito nagagandahan sakin.

"Hoy!" Gulat akong napatingin sa likuran namin. Yung matandang masungit ang bantay dito sa library.

'Guidance na naman ako nito.' Bulong ko sa sarili.

May hawak itong makapal na libro at binato samin. Akmang tatama ito sakin nang humarang ang lalaki at tinakpan ang ulo ko.

Napaharap ako dito, mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. What is happening to me?

Tired of Loving You (Completed)Where stories live. Discover now