Chapter 37

11.9K 234 40
                                    

Evan's POV

Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ko.

"Tinuring kitang anak. Pinagkatiwala ko sayo ang anak ko pero anong ginawa mo?" Galit na sabi ng ama ni Ava.

Nagulat ako kanina nang makita ito. Hindi ko alam kung paano niya nalaman kung nasaan ako pero naisip ko din na walang imposible dito. Pagagalawin niya ang mga alipores niya mahanap lang ako.

"Dad i'm sorry, pinagsisisihan ko na ang lahat. I made a mistake at inaamin ko po yun." Isa pang suntok ang tumama sa tiyan ko. Napasuka ako ng dugo dahil sa lakas ng suntok nito. "I'm sorry Dad."

"Mabait ako kung sa mabait, pero kaya kitang patayin kung hihilingin ng anak ko." Natatakot ako sa pinagsasabi nito, kilala ko siya at alam kong kaya niyang gawin ang sinasabi niya.

"Please po patawarin niyo ako. Mahal ko si Ava, mahal ko po anak niyo." Umiling ito at tinutukan ako ng baril. "Please Dad, ayoko pang mamatay, gusto ko pang makita ang mga anak ko. Gusto ko pang sabihin kay Ava kong gaano ko siya kamahal." Tumulo ang luha ko, nakaluhod ako habang nagmamakaawa sa buhay ko.

Tinitigan ako nito at umiling. "Alam mo sayang ka! Binigay ng anak ko ang lahat lahat sayo, sinuway niya ang utos namin para sayong h*yop ka!" Huminga ito ng malalim. "Bibigyan kita ng pagkakataon, ayusin mo ang gulong ginawa mo. Kapag hindi mo ito naayos, ilalayo ko sayo si Ava at ang mga bata at sisiguraduhin kong magmamakaawa kang patayin nalang kita."

Umalis ito sa harapan ko kasama ang mga tauhan niya.

Napahiga ako sa sahig, nanlalambot ang buo kong katawan sa sakit. Halos hindi na ako makatayo.

----------

Ava POV

"Dad mabuti nalang at dumating kana." Humalik ako sa pisngi nito bilang paggalang. "Let's eat."

"Yes. Susunod na ako." Tumango ako.

Pumunta ako sa dining table. Nakita ko ang panganay kong tahimik na kumakain, hanggang ngayon umiiwas parin ito sakin. "You want more rice?"

Umiling ito at sinubo ang huling kanin sa plato niya. "Hi hon." Bati ni Dad sa asawa. "Hi apo, how are you?"

"I'm good Lolo, i'm done already." Tumayo ito at dire-diretsong naglakad.

Nagkatinginan naman kami kaya napayuko nalang ako. Kumuha ako ng kanin at beef caldereta, favorite ko ito lalo na't luto ni Mommy.

"Dad what happen to your hands?" Nagaalalang tanong ko. May sugat kasi ito sa kamay, para siyang sumuntok sa pader tsaka halatang bago lang ito dahil may dugo pa.

"Ha? Nothing. Naipit lang ako."

"Okay! Next time magingat ka nalang po." Ngumiti ako dito, akmang isusubo ko na ang caldereta nang makaamoy nang hindi maganda. "I think the ---." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko at patakbong pumunta sa lababo.

Bakit ganun yung amoy ng caldereta? Parang panis na or baka may nilagay na ibang sangkap si Mommy. "What happen to you Ava?"

"Ahh. Wala po, siguro i need to rest na." Wala ako sa sariling naglakad paakyat sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto napasandal ako sa may pinto. "Hindi pwede ito." Mahinang sabi ko.

Pangatlong araw na ako nakakaramdam ng ganito, wala akong ibang maisip kundi baka buntis ako.

Umiling ako. "Baka masama lang ang pakiramdam mo Ava. Wala ito magpahinga ka lang." Pagkukumbinsi ko sa sarili.

----------

Tired of Loving You (Completed)Where stories live. Discover now