Chapter 5

9.5K 239 3
                                    

Ava's POV

Present

"1 green tea with 50% honey for may bestie." Sabi ni Liza pagkatapos ay binaba ang tasa sa lamesa. "Kamusta? Ang lalim ng iniisip mo ah."

Nandito kami sa bahay nila, pinasyal ko ang mga bata dahil gusto nilang makipaglaro sa  anak ni Liza. Housewife ito ngunit malaki ang pinagkaiba naming dalawa, blooming siya samantalang ako parang lantang gulay dahil sa sobrang stress at pagod.

"Wala. May iniisip lang ako."

"Ano nga? Anong iniisip mo?" Tanong niya.

Alam nito ang nangyayari samin ni Evan maliban nalang sympre ang pambababae nito. Ayoko sanang ipaalam sa kanilang magasawa kasi ayokong madamay sila sa problema namin ni Evan.

Huminga ako ng malalim. "I want a divorce. Gusto ko sanang magpatulong sa asawa mo." Nahihiyang sabi ko.

Lawyer ang asawa ni Liza kaya alam kong matutulungan ako nito. "Ano bang sinasabi mo? Hindi nga Ava." Hindi  makapaniwalang tanong niya. "Why? Sinaktan ka ba niya? Nambabae ang g*gong yun."

"No!" Sagot ko. "It's not about him, its about me. Ewan ko nagising nalang ako nawalan na ako ng gana. Parang hindi ko na siya mahal." Pagsisinungaling ko. Sana maniwala ito, alam niya kasi kung gaano ko kamahal si Evan.

"Omg! That's not good. Pero paano ang mga bata."

"Yun nga, gusto ko maayos muna ang lahat then sasabihin namin paunti unti sa mga bata." Napahilamos ako sa mukha, ito na naman ang luha ko. Pilit kong pinipigilan ngunit kusang lumalabas kapag mga anak ko na ang pinaguusapan.

"Ui bakit ka naman umiiyak?" Nagaalalang tanong nito.

"Hahaha i dont know. Nababaliw na ata ako." Natatawang sabi ko habang walang tigil sa pagluha. "Hindi ko naman ilalayo ang mga bata kay Evan. Gusto ko lang na maayos na ang relasyon namin."

"At divorce ang kasagutan. Nababaliw ka na. But, okay sasabihan kita kung kailan pwedeng makausap ang asawa ko. Pero alam na ba ito ng parents mo?"

Umiling ako. "Hindi pa, humahanap pa ako ng tamang tiempo. Salamat bestie. I really appreciate it."

Noon pangarap namin ni Liza na magkaroon ng masayang pamilya, yung tipong nakaupo lang kami sa damuhan tapos masayang naguusap habang naghahabulan ang mga anak namin at yung mga asawa naman namin nagluluto ng barbeque.

Kaya niyang matupad yun, pero ako hindi na.

----------

Hinatid kami ni Liza sa sasakyan. Tulog na tulog narin ang mga bata dahil sa sobrang pagod.

Umuwi kami sa mansyon nila Dad, pagdating namin sa gate nakita kong pinapasok ng kasambahay ang maleta namin sa sasakyan ni Evan.

Binuhat ko ang bunso ko, nagising naman si Elli. "Mommy hindi tayo uuwi ng house?" Inaantok niyang tanong.

"Not yet baby, hold Mommy's shirt." Sabi ko at humawak naman siya sa gilid ng blouse ko.

Nang makapasok sa bahay ni Dad nakita kong naguusap ang dalawa.

"Daddy." Lumapit si Elli sa ama, kinarga naman siya nito.

"Kanina pa ako dito. Where have you been?" Tanong ni Evan ngunit hindi ko siya pinansin.

"Bakit nilalagay sa sasakyan ni Evan ang maleta namin?" Tanong ko kay Dad.

"Uuwi na kayo. Tatlong araw na kayo dito, hindi maganda sa magasawa ang nagaaway lalo na't may mga anak na kayo. Maawa naman kayo sa apo ko."

Hindi ako nakapagsalita. Lumapit sakin si Evan at inakbayan ako. "Honey uwi na tayo. Sorry Dad, nadamay pa po kayo sa pagaaway naming magasawa." Tila anghel na sabi ni Evan. Best actor talaga sa harap ng pamilya ko.

"Okay. Your padre de pamilya Evan talk to your wife and be responsible." Seryosong sabi ni Dad. "See you tomorrow. Tell also to Kylie about the schedule for next week."

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pangalan ni Kylie.

"Yes po. Goodnight." Nakangiting sabi ni Evan.

Akmang paakyat na si Dad nang pigilan ko ito.

"Dad?" Tumingin ito sakin.

Inunahan akong magsalita ni Evan. "Wala ka namang sasabihin kay Dad diba? Honey gabi na kailangan na niyang magpahinga. Sige po magpahinga kana, aalis na rin kami."

Tumango ang matanda, iniwas ko ang braso ko kay Evan. "Umakyat na si Daddy, wag kana magpakaplastik."

"Pagod ako. Wag na muna tayo magaway ngayon, umuwi na tayo." Sabi niya at naunang naglakad.

Pagdating sa bahay, dinala ko ang mga bata sa kwarto nila. Nagpunta lang ako ng kwarto namin para kumuha ng damit na pantulog. Hindi naman ako nito nakita dahil busy ito sa kausap niya.

----------

Kinabukasan tumawag ako sa secretary ni Evan.

Ring ring ring

"Hello Mrs. Lee." Bungad nito.

"Hi, Andiyan ba si Evan?" Tanong ko.

"Mrs. Lee wala na po ako sa office, magtwo months na po akong resigned." Sagot niya.

"Ganun ba? Sino ang pumalit sayo, can I have his number?"

"Yes Ma'am, Kylie Kitt po ang pangalan ng pumalit sakin." Nagtagis ang bagang ko. Pati ba naman pamilya ko kailangan niyang lokohin. "No interview na po siya, si Mr. Lee ang kumuha sa kanya. Kilala niya daw po ito kaya natanggap kaagad."

"Okay. Thank you."

"No problem Ma'am."

Hindi na talaga ito magbabago, mali ang paniniwala kong natuturuan ang puso. Kung ano ang nasa puso ni Evan yun at yun parin. Ngayon malinaw na sakin na hinding hindi ako nito mamahalin. Pinahihirapan ko lang sila ni Kylie, pinahihirapan ko lang ang sarili ko, umaasa ako sa wala.

Ako nalang ang magaadjust, ako nalang ang gagawa ng paraan para matapos na ito.

----------

"Kumain ka ng marami baby." Sabi ko sa panganay ko.

Elli is six years old, she's so sweet. Tahimik at seryoso din sa buhay katulad ng Daddy niya.

Elias is just 1 year old. Makulit ito at palangiti katulad ko.

And I'm Ava Cecil 26 years old, bata pa ako nung kinasal kami ni Evan. Nagpakabulag sa pagmamahal, nagmadali akong magpakasal kaya ito ang nangyari, nagsisisi sa mga desisyon na nagawa ko. Pero never akong nagsisi na pinanganak ko ang mga anak ko, sila lang ang naging tamang desisyon sa buhay ko.

Kung tutuusin hindi ko naman dapat sisihin si Evan, pinilit ko ang sarili ko sa kanya. Nagmakaawa siya noon pero wala akong ginawa. Kulang pa itong sakit na naramdaman nila noong pinaghiwalay ko sila.

Nasayang ang limang taon sa buhay niya nang dahil sakin. Sinira ko ang buhay niya.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

Thank you for reading my story.

Dont forget to like and Comment.

Tired of Loving You (Completed)Where stories live. Discover now