Chapter 38

11.8K 227 17
                                    

Ava's POV

Pinunasan ko ang luha ko bago bumaba ng sasakyan. Kailangan kong magkunwari na walang nangyari ngayong araw.

Pagpasok ko sa loob ng bahay, humalik ako sa mga bata. "Mom I have a perfect score in science."

"Good job anak." Masayang sabi ko kay Elli.

"Oh nandiyan ka na pala. Kumain ka na ba? Sabayan mo na kami." Humalik ako sa pisngi ng parents ko.

"I'm good Dad. Magpapahinga na ako."

"Saan ka ba nagpunta? Hindi ka man lang nagpaalam, sabi ni yaya nagmamadali ka daw umalis kanina." Tanong niya.

"Uhm... Namasyal lang sa mall, tumingin ako ng pwedeng decoration para sa darating na birthday ni Elli."

"Oh God! Ang bilis talaga ng panahon, parang kahapon lang maliliit pa ang mga apo ko." Pilit akong ngumiti.

"Sige Dad, akyat na ako sa kwarto." Nakangiting tumango ito pagkatapos binuhat si Elias. "Our baby boy."

Pagpasok ko sa kwarto, napasandal ako sa pinto. Yung ngiti ng parents ko ang naaalala ko, isa rin sila kaya ayokong ituloy ang pagbubuntis ko.

Alam kong masasaktan sila kasi nagpabuntis na naman ako kay Evan, ni hindi nga namin maayos ang relasyon namin tapos ito na naman. Hindi man nila nakikita na nasasaktan ako, pero alam kong nararamdaman nila kapag may mali sakin.

Matanda na sila para masaktan nang dahil sakin, matanda na sila para isipin ang kapakanan ko.

Walang ibang pwedeng sisihin dito kundi ako rin. Nagpauto ako sa mababangong salita ni Evan, nagtiwala ako kaagad. Uto uto kasi ako.

Nilock ko ang pinto at pumasok sa banyo. Nilagay ko sa lababo ang mga binili kong gamot.

Kinuha ko ang bottled water na dala ko pagkatapos binuksan ang gamot, nasubo ko na ito nang makita ang sarili sa salamin.

"Bakit? Bakit kailangan mong idamay ang batang walang alam Ava. Ganyan ka na ba kasamang tao, hindi na kita kilala." Naalala ko ang sinabi ni Evan.

"Hindi ka masamang tao Ava." Sabi ko sa sarili.

Napahagulgol ako at niluwa ang gamot sa bibig ko. "I'm sorry baby." Napahawak ako sa tiyan ko.

Tinapon ko ang lahat ng binili ko sa basurahan. "Hindi ko na kilala ang sarili ko. Paano ko nagawang patayin ang sarili kong anak."

May kumatok sa pinto ng kwarto, hindi ko ito binuksan at nagpatuloy lang sa pagiyak. "Open the door Ava."

"Please leave me alone." Sigaw ko.

"Open this f*cking door." Ayoko! Ayokong makita nila akong ganito! Lumabas ako ng cr.

Nagulat ako nang makapasok sila sa kwarto ko, sinalubong ako ni Dad ng sampal sa mukha, tila nabingi ako sa lakas nito.

"How dare you kill your unborn child?" Galit na tanong ni Daddy. "Hindi kita pinalaking ganyan anak."

May humawak sa likuran ko. It's Evan, siya ang nagsumbong sa magulang ko. "I'm sorry. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I'm so depressed, gusto ko nalang patayin ang sarili ko." Lumapit si Mommy at niyakap ako ng mahigpit. "I'm sorry Mom. Ayoko nang mabuhay, ayoko nang masaktan. Pagod na pagod na ako." Huling sabi ko bago nanlabo ang aking mga mata.

----------

Nagising ako nang makaramdam ng paghimas sa buhok ko. It was Evan. "What are you doing here? Umalis kana. Hindi kita kailangan dito."

"Ava i'm really sorry for everything. Nagkamali ako. Noong una gusto ko lang makuha ang anak natin pero nung nakasama kita, nung mas nakilala kita, duon ko tinanong yung sarili ko kung bakit ang tagal ko bago mahalin ka.

"Naging masama akong asawa sayo Ava, kaya naiintindihan ko kung gaano ka kagalit sakin. Lahat ng pinakita ko sayo, totoo ang mga yun."

Umiling ako. "Nasira ang buhay ko dahil sayo." Tumingin ako dito. "At yang mga sinasabi mo, hindi na ako naniniwala."

"Alam kong matagal bago bumalik ang tiwala mo sakin, handa akong maghintay kahit gaano pa yan katagal. I will do everything para maparamdam sayo na mahal kita, na handa na akong makasama ka habang buhay." May luha ito sa mata habang nagsasalita.

"I want my parents please." Mahinang sabi ko. Tumango ito bago lumabas ng kwarto.

'Naaawa ako sa kanya. Para kasing totoo ang mga sinasabi niya, pero ayoko nang sumugal, ayoko ng masaktan. Ubos na ubos na ako, pagod na pagod na akong mahalin ang isang katulad niya.'

Ilang sandali lang nang pumasok naman ang mga magulang ko. "Anak, are you okay?"

Tumango ako. "I'm sorry Mom Dad. Hindi ko alam kung anong iniisip ko kanina."

"It's not your fault anak. Nalilito ka lang sa mga nangyayari sa paligid mo."

"What do you mean?"

Nagkatinginan sila. "Your not pregnant Ava."

Nagulat ako sa sinabi nila. "But the doctor told me that---" Naguguluhan ako.

"Baka daw nagkamali lang ang doctor na pinagcheck-upan mo. Yung symtoms na nararamdama mo dala lang ng pagod at pagpupuyat, tsaka hindi ka rin nakakakain ng tamang oras."
Napahilamos ako sa mukha. "You need a treatment for your depression anak. May kilala ang tito mo, yun ay kung papayag ka."

Hindi ako buntis, pero sabi nung doctor eh. Naguguluhan ako, bakit kailangan niya akong bigyan ng gamot pampalaglag kung hindi ako buntis. Ewan ko!

Bahala na! Tumango nalang ako. Hindi ko hahayaang masira ang buhay ko, kailangan ako ng mga anak ko.

----------

Lumipas ang isang linggo.

Dinala ako dito sa hospital care, nandito narin ang mga gamit ko. Hindi na ako nagpaalam sa mga bata kasi ayokong makita nila akong ganito.

Dinala ako sa lugar na kung saan para itong probinsya dito sa America, dito ako magstay ng 3 to 8 months depende sa paggaling ko.

Pwede namang lumabas, mamasyal kung saan mo gusto pero ako mas pinili kong manatila sa tinutuluyan ko.

May mga kasama naman ako dito sa lugar na ito, may sari-sarili kaming mga kwarto tsaka hindi kami naguusap, walang pakialamanan kumbaga.

Karamihan dito, physical, sexual, or emotional abuse, yung iba naman sa sobrang kalungkutan dahil nawalan o iniwan ng pamilya.

"How are you today? Do you remember what I said the other day? Before you love them you must love yourself first, before you build them you must be whole. Always proritize yourself."

"Are you listening ? Your spacing out again Ms. Ava. What do you feel?" Tanong ng therapist ko. Pang pitong araw ko na ito.

"Broken." Wala sa sarili kong sagot. Yun naman kasi ang totoo.

"I will show you a picture, give me one word that comes into your mind"

Napaiyak ako nang ipakita nito ang dalawa kong anak. Oh god! I miss them so much. Pagkatapos ang picture naman ni Evan. I hate him.

Huminga ito ng malalim. "I think you are not ready to see them yet, I will be back tomorrow morning."

Iniwan ako nitong umiiyak. Ganito nalang ba palagi? Hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko. Ang hirap labanan ng depression, minsan gusto ko nang patayin ang sarili ko. Iniisip kong mag suicide pero tuwing nandun na ako sa point na yun, mukha ni Elli at Elias ang nakikita ko. Iniisip ko na hahanapin nila ako, na iiyak sila, na masasaktan kapag nawala ako.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

Thank you for reading my story.

Dont forget to like and Comment.

Tired of Loving You (Completed)Where stories live. Discover now