Chapter 22

12.5K 253 17
                                    

Ava's POV

Dumating ang araw na hinihintay ni William. Kasalukuyan akong inaayusan.

"Suotin mo na ang damit Madam." Sabi ng make up artist, siya ang pinapunta ni William dito sa bahay para ayusan ako.

Hulmang-hulma ang katawan ko dito sa damit. Backless ito at may slit sa may leegs. Nagbagay rin ang kulay sakin dahil mas lalo akong pumuti.

Pati sapatos walang patawad, ang taas ng heels tapos punong puno ng kumikinang na dyamante sa gilid.

Ring ring ring

"Hello." Bungad ko.

"Are you ready?" Tanong niya na naghihintay sa labas ng gate.

"Yes pababa na ako." Sabi ko, mabuti nalang pinaalaga ko muna kay Liza ang mga bata kaya walang istorbo.

Paglabas ko ng gate tila nabighanin si William, nakatitig lang ito sakin. "Ano walang masabi?"

"You're so beautiful." Sabi niya, kaya pinalo ko ang braso nito.

"And you are so handsome. Let's go." May driver siyang kasama, sa likod kami umupo ng limousine.

Ewan ko kung bakit ako kinakabahan ngayong araw. Nandito ako para suportahan si William kasi alam kung mas kinakabahan siya, sabi niya ngayon lang siya pupunta sa ganitong uri party.

Mabilis kaming nakarating sa venue ng party, napaka elegante ng buong paligid. Siguro isang taon itong pinaghandaan, mula sa entrance ng bisita hanggang sa table nila.

Inalalayan ako ni William pagbaba ng sasakyan, kumapit ako sa braso nito at ngumiti.

"Grabe ang gaganda nila." Mahinang bulong ko kay William.

Ang gaganda kasi ng bisita, halatang mayayaman rin dahil maraming kolorete sa ibat-ibang parte ng katawan.

"You're more beautiful."

"Ewan ko sayo! Mga kalokohan mo."

"Hindi ba talaga pwede maging tayo?" Tiningnan ko siya ng masama. "Joke lang haha."

"Wait lang. Ayusin ko ang necktie mo." Sabi ko at humarap sa kanya. "Dapat nakaganito. Okay na."

"Hindi ata marunong yung stylist ko hahaha." Natawa ako sa sinabi niya.

Biglang may umubo sa gilid namin. Laking gulat ko nang makita si Evan, nakahawak sa braso niya si Kylie.

Parang sumikip ang dibdib ko sa nakita. Nasasaktan parin pala ako.

Lumapit sila samin. "Nice to see you again Mr. Evan Lee." Sabi ni William. Hindi naman ito sumagot at seryoso lang na nakatingin samin. Napahiya pa si William nang hindi nito tinanggap ang kamay niya upang makipagkamay. "Enjoy the party. Excuse us."

Hinatak ako ni William sa magiging table namin. "Okay ka lang?"

"Yeah." Pilit akong ngumiti.

Napatingin ako kila Evan nang dumaan sila. Hindi ko maiwasang mainsecure kay Kylie, kahit anong ipasuot dito maganda parin. She looks like an angel na bumaba sa langit.

'Sana ako ang nandiyan, sana ako ang nakakapit sa braso ni Evan.' Ayokong umiyak, masisira ang make up ko.

"Excuse me. Restroom lang ako."

"Gusto mo samahan kita?" Tanong niya.

"No, mabilis lang ako." Bulong ko kay William, tumango ito at humarap sa kausap niya.

Tired of Loving You (Completed)Where stories live. Discover now