Chapter 24

11.4K 247 7
                                    

Evan's POV

Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa kisame. It's already 9AM, sunday ngayon kaya may time akong hanapin sila Ava.

Limang araw na ang nakakalipas, sobrang namimiss ko na ang mga bata. Ang pagtawag nila sakin ng Daddy, ang yakap at halik nila.

Tiningnan ko ang phone ko. May text si Kylie. 'Goodmorning. Eat your breakfast handsome. I love you.' Ganito yung mga nagpapangiti ng umaga ko noon pero ngayon ang gusto ko nalang mahanap sila.

Tumayo ako sa kinahihigaan ko at naligo bago bumaba.

"Goodmorning Evan." Bati ni Manang, may dala itong mga letter envelope.

"Manang kanino yan?" Tanong ko, ngayon ko lang kasi ito nakita.

"Para kay Ava."

"Can i see?" Naglahad ako ng kamay.

Nanlaki ang mata nito at umiling. "Wala ito, mga job letter lang para kay Ava." Alam kong nagsisinungaling ito, sa pagsasalita palang niya alam na alam ko na.

Lumapit ako dito at kinuha ang hawak niya, siguro nasa 20 piraso ito.

"Thank you." Pasasalamat ko.

Nagtimpla muna ako ng coffee at binasa isa isa ang mga sulat. She's right, puro job letter para kay Ava. Ngunit may napansin akong isa, sulat kamay at gusot ang papel.

Binuksan ko ito at may address dito kung saan galing. "Nagpapadala si Ava ng pera sa address na ito."

Napalunok ako. 'Kaninong address ito, tsaka ang laki ng pinapadala niyang pera every month, saan siya kumukuha ng ganitong pera.' Bulong ko sa sarili.

Binuksan ko ang google map, hindi kaya nandito sila sa lugar na ito. Kailangan kong malaman kung sino o anong meron sa address na ito.

----------

This is a f*cking squatter, imposible na pupunta siya dito dahil kilala ko siya. Mula college kami hindi mo siya mapapapunta sa ganitong lugar. Mabaho, madumi at mausok.

Pinaghintay ko ang driver sa labas, hindi kasi kayang pumasok ng sasakyan sa iskinitang ito.

"Excuse me. Saan yung address na ito?" Tanong ko sa binatilyong napadaan.

"Duon yan, kila Mariko. Ayan ang bahay nila." Turo niya.

Naglakad ako papunta sa bahay na tinuro niya. "Ui sino po ang hanap niyo?"

Ito yung bahay? up and down ito. Lumang luma na, sorry for the word pero parang bahay ng aso.

Siya ata ang pinapadalhan ni Ava ng pera. "Nonsense." Sabi ko at tatalikod na sana nang.

"Bea umakyat kana, hinahanap ka ng asawa mo." Nanlamig ang buo kong katawan, sumikip ang bandang dibdib ko at dahan dahan na humarap sa nagsalita.

"Nay." Gulat kong sabi.

Tinitigan ako ng mabuti nito. "Sino ka?"

"Hindi niyo ako nakikilala?"

"Wait! Isipin ko mu---. Evan anak ko, ikaw na ba yan?" Yumakap ito sakin. "Napakagwapo mo na anak. Halika pasok ka sa bahay."

Ayokong pumasok ngunit hinatak ako nito. Oo galit ako sa kanya, kasi hindi man lang niya ako hinanap habang wala ako sa puder nila.

"Upo ka. Bubuksan ko lang ang bintilador." Sabi niya. "Kamusta ka anak?"

"Diba ako dapat ang nagtatanong niyan? Kamusta na kayo?" Tumingin ako sa paligid, bahay ba ito ng tao.

Tired of Loving You (Completed)Where stories live. Discover now