Chapter 14

10.7K 220 5
                                    

Ava's POV

Alam kong gustong gusto na nito makipaghiwalay sakin. Humahanap lang ito ng tamang tiempo.

"Anong sabi mo?" Tanong ko.

"I'm tired, nakakapagod na tuwing paguwi ko galing trabaho aawayin mo ako." Huminga ito ng malalim. "I'm just saying na kung ganito tayo palagi maghiwalay nalang tayo."

Hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko dahil totoo naman, minsan hindi pa ito nakakapasok ng bahay binubunga-ngaan ko na.

"I'm sorry." Sabi ko at umalis sa harapan niya, ang tapang tapang ko sa lahat ng bagay pero pagdating sa usapang hiwalayan tila tumitiklop ako.

End of Flashback

Umiling ako at inalis sa isipin ang nakaraan.

Oo galit ako, oo masakit pero paano ako makakamove on kung puro galit ang nasa puso ko. Galit sa sarili ko, galit kay Kylie.

Diba sabi nila kung gusto mong magbago, simulan mo sa pagpapatawad sa mga taong nakasakit sayo.

Biktima lang si Evan sa masama kong ugali noon. Hindi ko siya dapat sisihin.

Dahan dahan kong binuhat si Elias kaya nagising si Evan. "Iaakyat ko na siya. Ikaw nalang kay Elli. Kung gusto mo dito ka nalang matulog, sa may guestroom."

"Hindi na, aalis na rin ako. Maaga pa ako sa opisina bukas." Sabi nito.

Inakyat namin sa kwarto ang mga bata, magkatabing matulog si Elli at Elias, nilalagyan ko lang ito ng maraming unan sa paligid ng kama para naman safe sila.

Hinatid ko narin si Evan sa may gate.

"Ingat ka."

Akmang papasok na ako nang tawagin ako nito. "Ava?"

Lumingon ako. "Can we be friends? Para sa mga bata, hindi man natin sila mabigyan ng buong pamilya atleast maging mabuting magulang tayo para sa kanila."

"Let's forget everything and focus to our children."

Ngumiti ako dito, tama siya. Hindi dapat namin idamay ang mga bata sa away namin. Kung masakit para samin, alam kong mas masakit para sa kanila. "Okay Evan. Para sa mga bata."

Kung tutuusin sila ang mas naapektuhan sa maling desisyon na ginawa namin.

"Friends?" Nilahad nito ang kanyang kamay.

"Friends. Thank you Evan." Nakipagkamay ako dito.

Tila gumaan ang pakiramdam ko, sana ito na ang simula ng pagmomove on ko sa kanya.

----------

Kinabukasan pumasok na ako sa opisina, ang hirap mang hatiin ng katawan ko ngunit kinakaya ko.

Sa umaga aasikasuhin ko ang mga bata, kahit kasi may kasambahay ayaw nilang magpaasikaso. Then papasok ako sa opisina at sa uwian naman dadalawin si Dad sa hospital.

Minsan hindi na ako nakakakain ng dinner dahil gusto ko nalang matulog at magpahinga.

"Ava can you please print this one." Utos ni Sir William.

"Yes po."

"Oo nga pala, kamusta ang Dad mo?"

"Okay naman, minsan nagreresponse siya lalo na't kapag kinakausap ng mga bata like gagalaw ang daliri niya."

"It's a good sign. Ahh pwede ba akong dumalaw sa Dad mo?" Tanong niya.

"Oo naman, mamaya pupunta ako gusto mo sumama nalang sakin." Tumango ito.

Tired of Loving You (Completed)Where stories live. Discover now