Chapter 39

11.5K 230 12
                                    

Evan's POV

"Naging masama akong asawa sayo Ava kaya naiintindihan ko kung gaano ka kagalit sakin. Lahat nang pinakita ko sayo, totoo na yun."

Umiling ito. "Nasira ang buhay ko dahil sayo." Tumingin siya sakin. "At yang mga sinasabi mo, hindi na ako naniniwala."

"Alam kong matagal bago bumalik ang tiwala mo sakin, handa akong maghintay kahit gaano pa yan katagal. I'll do everything para maparamdam sayo na mahal kita at handa na akong magpakaasawa sayo." Tumutulo ang luha ko habang nagsasalita.

Ang sakit ng puso ko habang nakatingin sa kanya, ramdam ko yung sakit sa kanyang mga mata. Kung pwede lang sana alisin ang lahat at ilipat sakin, ginawa ko na.

Alam ko na ang pagkakamali ko at hindi ko na kailangan ulit ulitin yun.

Lumabas ako ng kwarto at tinawag ang magulang niya. Hindi ko narinig ang paguusap nila pero alam kung seryoso ito.

Sinabi samin ng doctor na hindi ito buntis, dala lang daw ito ng depression niya.

Nakahinga naman ako sa sinabi nito. Hindi ko kakayanin na mawalan ulit ng anak at nang dahil na naman sakin.

Flashback

"Naku kang bata ka, pilipino ka pala kanina pa ako english ng english sayo. Masakit pa ba?"

"Hindi na po masyado." Sabi ko. Nandito ako sa hospital malapit sa hotel na tinutuluyan ko.

Wala akong first aid kit kaya ako nalang ang pumunta dito. Kumikirot rin kasi ang sugat ko, nanghihina din ako.

"Sino ba kasi ang gumawa sayo niyan? We can call a police."

"Wala po ito. Hindi naman po masyadong masa--aray." Tumawa ng mahina ang nurse.

"Bibigyan kita ng gamot para mabilis na gumaling yang sugat mo. Tapos magpahinga ka na. Okay?" Tumango ako. Mabuti nalang mabait ang nurse, ang swerte ko rin dahil pilipino ito. "Here."

"Thank you po." Nakangiting pasasalamat ko. Thanks god nabawasan ng konti yung sakit ng katawan ko.

Habang naglalakad sa hallway, binasa ko ang binigay na gamot ng nurse nang may makabangga ako.

"Sh*t! I'm really sorry." Hingi kong paumanhin sa babae, nahulog kasi ang gamit nito. "Ava." Nabasa ko ang gamot na hawak niya at hindi ako tanga para hindi malaman kung para saan ito.

"Akin na yan." Inagaw niya ang hawak ko.

"What the f*ck? Bakit ka may ganyan?" Galit na tanong ko.

Hindi na ako nagulat na mabubuntis ko siya, ang mas ikinagulat ko yung hawak niya. Papatayin niya ang anak ko!

"I don't need to explain Evan. Umalis ka sa dadaanan ko at pwede ba wag kang magiskandalo dito."

"P*tang i*a Ava ano yan? Bakit ka may ganyan?" Sigaw ko, wala akong pakialam kung hulihin ako dito dahil sa pagiiskandalo ko. "Hindi ka magsasalita?"

"Fine. I'm pregnant and I will abort the baby. Happy? Now get out of my sight."

"Why? Bakit kailangan mong idamay ang batang walang alam Ava. Ganyan ka na ba kasamang tao, hindi na kita kilala." Nasasaktan ako! Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit siya naging ganyan. Bago niya mapatay ang anak ko, ako muna ang patayin niya.

Sinampal ako nito ng malakas. "Never mo akong kinilala Evan, kaya wag kang magkunwari na may pake ka sakin. Tama ka masama akong tao and that because of you. Mas pinili kong mamatay ang anak ko para hindi niya makilala ang katulad mong walang kwentang ama." Tinulak ako nito.

Bakit ba kasi hindi niya muna ako pakinggan? Oo nagkamali ako, niloko ko siya, uulit-ulitin ko pa ba yun kung nandito naman ako para itama ang lahat ng pagkakamaling yun.

Kung hindi ko siya kayang pigilan then hihingi ako ng tulong sa Daddy niya. Wala na akong pakialam kung bugbugin ako nito ulit, bahala na.

----------

Pagdating ko sa village nila, mabuti nalang walang bantay kaya nakalusot ako. Mabilis akong bumaba ng sasakyan para hanapin ang Daddy ni Ava.

"What the h*ll are you doing here? Hindi ka talaga nagtatanda?"

"Dad please po. Mamaya niyo ako saktan. Ava is pregnant, nakasabay ko siya kanina sa hospital, she will abort the baby. Please po as a father, ayokong mawalan ng anak."

Nagulat ito sa sinabi ko, galit itong umakyat papunta sa kwarto ni Ava, sumunod ako sa kanya.

"The door is locked. Ava open this f*cking door." Galit na sabi ng Daddy niya. "Get the keys."

Nagkakagulo na kami, bawat minutong lumilipas posibleng may epekto. Binigay ng kasambahay ang susi, kaagad naman itong binuksan.

Nakita ko siyang umiiyak na sinalubong kami.

Nanlaki ang mata ko nang sampalin siya ni Daddy. Ngayon ko lang ito nakitang ganito kagalit. "How dare you kill your unborn child?"

"I'm sorry. Hindi ko na alam ang gagawin ko Dad. I'm so depressed, gusto ko nalang patayin ang sarili ko." Umiiyak na sabi niya.

Tila nanlamig ang buo kong katawan, nakikita ko na kung anong epekto nang lahat ng ginawa ko. Hindi ko man nararamadam pero alam kung sobrang sakit para sa kanya, to the point na mas pinili niyang mamatay para mawala yung sakit.

End Of Flashback

Lumabas ang parents niya sa kwarto. Nahihiya akong lumapit pero kakapalan ko na ang mukha ko.

"Dad sorry po." Nakayukong sabi ko.

"Narinig mo ang sinabi ng anak ko? Gusto niya nang mamatay nang dahil sayo. Pinagkatiwalaan kita, tinuring kitang parang anak ko tapos ito lang ang igaganti mo sa lahat ng kabaitan na ginawa ko sayo." Nilapitan siya ng asawa niya, kaya huminga ito ng malalim. "Ipapatreatment namin siya. Wag ka na munang magpakita sa kanya Evan please." Bakas sa boses nito ang galit, umalis ito sa harapan ko.

Napahilamos ako sa mukha pagkatapos sinuntok ko ang pader. "This f*cking life." Umiiyak na sabi ko.

Ilang minuto ang lumipas, pumunta ako sa kwarto niya, tulog na ito. Sabi ng doctor iyak daw ito ng iyak kaya tinurukan muna ng pampatulog.

Umupo ako sa gilid niya. "I'm sorry. Yun lang ang paulit-ulit kong sasabihin sayo. Gusto kong mabuo ang pamilya natin, pero may pag-asa pa ba?"

"Kaya kong humingi ng kapatawaran sayo habang buhay. Kaya kong balewalain ang pride ko bilang lalaki para sayo Ava. Bigyan mo lang ako chance para mapatunayan kong mahal kita. Bigyan mo ako, pagkatapos ikaw na ang magdesisyon kung babalik ka sakin."

Matagal kami bago magkita. Kailangan niya munang magpagamot, susundin ko rin ang isa sa hiling ng magulang niya, yun yung wag munang magpakita sa kanya.

"I love you and goodbye for now my love." Humalik ako sa noo niya.

'Depression is not a joke.'

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

Thank you for reading my story.

Dont forget to like and Comment.

Tired of Loving You (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat