Chapter 23

11.5K 238 10
                                    

Ava's POV

"Coffee." Binaba niya ang kape sa lamesa at tumingin sakin. "Tell me what happen."

"Nahihiya ako sa sarili ko, ang lakas ng loob kong magpadivorce pero may nangyari."

"May nangyari kasi mahal pa siya. Hindi lang dahil may nangyari." Sabi ni Liza.

Tumulo ang luha ko. "Bakit ganun?" Huminga ako ng malalim. "Bakit hirap na hirap siyang mahalin ako? Binigay ko naman ang lahat. Alam mo lagi kong pinagdadasal sa Diyos na kahit konting pagmamahal lang galing kay Evan. Okay na yun sakin."

Hinimas ni Liza ang likuran ko. "Ewan ko ba kasi sayo, ang ganda ganda mo duon ka nahulog sa letseng Evan na yun."

"Gusto ko nalang maglaho sa mundo. Ayoko nang sabihin na kaya ko, kasi alam kong niloloko ko lang ang sarili ko." Yumakap ako kay Liza.

"Mula nang minahal mo yang Evan na yan, nagbago kana. Hindi ko na makita si Ava na kaibigan ko, nasaan na yung masayahin, yung palaban na kilala ko."

Umiling ako, wala na ang lahat ng yun dahil sa pagmamahal ko kay Evan. Hindi ko napansin na habang minamahal ko siya, napapalayo ako sa totoong ako.

"Wag ka ng umiyak. Kakayanin mo yan. Nandito ako para suportahan ka."

----------

Pagkatapos ng iyakan, hinayaan niya muna akong mapagisa.

Hinintay ko na magising ang mga bata para makauwi narin kami. Nagpaalam na ako kila Liza kasi gusto ko na rin magpahinga.

"You want milk." Sabi ko sa bunso ko. Tumawa naman ito at tumango. "What about you Elli?"

"I want Mcdo Mommy."

"Okay. Magpadeliver nalang tayo for our lunch." Sabi ko, masayang masaya naman ito. Kapag bata talaga ang babaw ng kaligayahan.

May pasok kami sa opisina pero nagleave muna ako. Bukas nalang ako pupunta sa office.

Naging maayos ang araw naming magiina. Hindi nagtxt o tumawag si Evan, wala itong paramdam kahit sa mga anak niya.

Siguro nagsisisi ito sa nangyari samin kagabi.

Nang dumating ang pinadeliver namin pinakain ko na sila pagkatapos ay hinayaang maglaro buong maghapon.

Maraming kwento si Elli tungkol kay Evan, hindi ako nagsasalita at pinakikinggan lang ito.

Kinagabihan, karga ko si Elias at nakapikit narin. "I'm sleepy Mommy." Humihikab na sabi ni Elli.

"Let's go to our room." Pinatay ko muna ang tv at umakyat na sa kwarto. Binaba ko si Elias sa kama.

Malamig ang simoy nang hangin kaya naisipan kong tumambay muna sa veranda. Tulog na tulog naman na ang magkapatid.

Napapikit ako at nilanghap ang sariwang hangin na tumatama sa aking balat. Ang daming pumapasok sa isip ko, gulong gulo na ito, marami akong bakit, marami akong paano sa buhay ko.

Pinunasan ko ang luha ko. Gusto kong maglaho sa mundo pero paano ang mga anak ko? Kailangan kong magisip nang mabuti, kailangan kung huminga sa mundong ginagalawan ko.

----------

Kinabukasan maaga akong nagising, gumawa ako ng letter dahil magleleave ako sa opisina.  Napagisipan ko ito kagabi, para sa sarili ko at para sa mga bata.

Nagimpake ako ng mga damit ng anak ko. "Mom where are we going?" Nalilitong tanong ni Elli.

"Magbabakasyon muna tayo. Okay?"

Tired of Loving You (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt